25

17.7K 549 32
                                    

"Walang problema sa main switch, Anne," ani Eric at isinarang muli ang switch box. "Nag-brownout lang marahil kagabi. At ngayong umaga na lang uli nagkakuryente. Alam mo naman minsan itong kompanya ng elektrisidad, lalo at probinsiya pa."

Puno ng emosyong hinarap ni Roseanne ang tiyahin. "Bakit hindi ka nagising nang sumigaw at kalabugin ko ang silid mo kagabi, Louise? At saan ka galing sa ganoong oras ng gabi, Eric? Ano ang ginagawa mo sa labas ng silid ko? Hindi mo nasabing narinig mo akong sumigaw kaya ka naroroon kagabi?"

"Whoa... whoa!" Itinaas ni Eric ang mga kamay. "Calm down, Anne."

Si Louise ay umiwas ng tingin, then said guiltily, "I took sleeping tablets last night, Anne. Alam mo namang kapag nasa ibang lugar ay namamahay ako at hindi makatulog." Iginala nito ang tingin sa buong kabahayan at nagbuntong-hininga. "Hindi na ako pamilyar sa bahay na ito. Nancy knew that too, kaya nang sa kanila ako natulog noong gabing dumating ako ay binigyan na niya ako ng sleeping tablets maaga pa lang."

"At sa baybayin ako natulog kagabi," paliwanag naman ni Eric. "I brought my camping blanket. Umuwi lang ako nang magsimulang umulan. Anong oras ba may nagtangkang magbukas ng silid mo?"

Almost at the same time you knocked on my door! gusto niyang sabihin, subalit pinili niyang huwag nang kumibo. Hindi tamang pagbintangan niya ito. It was absurd.

"Could it be another of your nightmares, Anne?" Louise said sympathetically. "Nananaginip ka na naman bang muli? Baka naman sa halip na nakabuti ay nakasama pa ang pagbabakasyon mo rito. Mula nang mamatay ang mga magulang mo ay hindi ka na tinantanan niyang masasamang panaginip mo."

Gusto niyang sabihing hindi siya nananaginip kagabi. Subalit walang katibayang may nagtangka ngang pumasok sa silid niya.

"If it makes you feel secured and safe," patuloy ni Louise sa nag-aalalang tinig. "Kailangan nating humingi ng proteksiyon para sa iyo. Tutungo kami ni Eric ngayon sa police station sa bayan at—"

"At ano ang sasabihin natin?" putol ni Eric sa sinasabi ng nobya. "Nasaan ang katibayang may nagtangka ngang pumasok sa silid ni Anne kagabi?"

"We could report the previous incident," wika nito. "We could tell them about that... that dead animal and—"

"And what?" muling putol ni Eric sa sinasabi nito. "Why only now? Bakit ipinalinis nang hindi man lang ipinakita sa mga awtoridad? At kahit ang sulat sa sahig ay salita lang ni Luke ang pinanghahawakan natin. For all we know, gawa-gawa lang ni Montañez ang bagay na iyan!"

"Tama si Eric, Louise," ani Roseanne na nagbuntong- hininga. "This is a small town. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao? Kahit si Luke ay hindi sinabi kay Manang Felipa ang tungkol sa pananakot." Binanggit sa kanya ni Luke na ito mismo ang bumura ng dugong nakasulat sa sahig bago pa iyon makita ng inatasang maglinis.

"Anyway, why would anybody wants to kill you?"

"I've asked the same question a million times already, Eric." She felt weary and confuse. Tumayo na siya. "Ikaw na muna ang bahala kay Andre, Louise. Gusto kong bisitahin ang farm ngayong umaga." Hindi na niya kailangang sabihing si Luke ang sasadyain niya kina Manang Felipa.

"Sure," masiglang sagot nito. "You can survey the whole farm and decide whether you want to stay here for good or go back to the hospital. And you can use my car."

"Well, if you want my opinion, mas gusto ko rito," ani Eric. "Bakit ka mamamasukan sa ospital kung mayroon ka namang sariling negosyong mapagkakakitaan mo nang husto. I'm tired of having a boss."

Tinitigan niya ito. He could be right.

"Anne dear," ani Louise, "huwag kang magpapahapon dahil may get-together party na inorganisa si Nancy ngayong gabi para sa mga dating amiga at classmate. Sort of reunion. Gusto kitang imbitahin pero baka hindi ka mag-enjoy dahil mga ka-batch namin ni Nancy ang mga naroroon."

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon