23

16.3K 460 12
                                    

Naghihiwa ng gulay si Roseanne nang mapunang pinagmamasdan siya ni Louise. Nakasandal ito sa hamba ng entrada.

"Naiinggit ako sa iyo," wika nito, nakangiti.

Umangat ang mga kilay niya. "Naiinggit saan?"

Lumapit ito, hinila ang isang silya at naupo. "Apat na araw mula nang umalis ka ng Maynila at hayan, dalawang magagandang lalaki kaagad ang nag-aagawang makuha ang atensiyon mo. Oh, well, kung ako ang papipiliin mo, mas gusto ko si Luke. I'm a sucker for ruggedly handsome, mysterious-looking men, and—"

"Rich," she supplied drily, ipinagpatuloy ang paghihiwa ng sibuyas.

"True." She laughed without humor. Pagkuwa'y pumormal at nagbuntong-hininga.

Huminto sa ginagawa si Roseanne at tinitigan ang tiyahin. "May problema ba?"Nagkibit ito ng mga balikat. Nilaro ang broccoli. She knew something was troubling her. Hinila niya ang silya at naupo. "Bakit ninyo pinagpasyahang sumunod dito? Hindi mo nabanggit na magbabakasyon kayo..."

Malungkot itong muling nagbuntong-hininga. "Remember the contract for the new TV series I was telling you about?"

"Hindi mo nakuha." It was more of a statement than a question.

Tumango si Louise. She suddenly looked her age. "They gave it to an ex-beauty titlist-turned actress. Mas matanda nang tatlong taon sa akin at mas mataas ang fee niyang di-hamak kaysa sa akin pero naniniwala ang istasyon na mas malakas siyang hahatak ng viewer."

"Makakakuha ka naman marahil ng ibang kontrata, Louise. Mahusay kang artista," pagbibigay konsolasyon niya.

Louise smiled. "Thanks, Anne. Pero mahigpit ang kompetisyon sa TV. I am thinking of retiring. Anyway, I'm turning forty next month."

Alam niyang hindi gusto ni Louise na iwan ang pag-arte. Subalit tama ito, mahigpit ang kompetisyon sa trabaho nito dahil mula nang dumating siya sa Pilipinas ay wala na itong permanenteng show. Paminsan-minsan ay naiimbita itong mag-guest sa isang show. Mula nang dumating siya, Louise practically depended on her financially.

"Si Eric? Mabuti at pumayag siyang samahan ka sa bakasyon mo rito?" susog niya.

"He's worried about you coming here alone. At gusto rin naman niyang makita ang lugar na ito. Sabi niya, kung saka-sakali at magustuhan niya rito, baka dito na kami sa Santa Clarita mamirmihan."

Tumango siya. Muling ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Paano nga pala kayong nagtagpo ni Montañez?" Ibinalik nito kay Luke ang usapan. "Oh, well, alam kong taga-Capistrano ang pamilya niya. Pero hindi mo nabanggit sa aking magkakilala kayo."

"Yes, Anne," wika ni Eric na lumitaw sa bukana ng pintuan ng kusina. "You failed to tell me last night how you met that man."

Nagbuntong-hininga si Roseanne at pahapyaw na sinabi sa dalawa kung paano sila nagtagpo ni Luke. At pagkatapos bago pa makabuo ng opinyon ang tiyahin ay itinuloy niya ang pagsasabi tungkol sa dahilan kung bakit doon nagpalipas ng gabi si Luke.

"It couldn't be true!" bulalas ni Louise. "Sino ang maaaring gumawa ng ganoon?" She shuddered at the thought of the dead animal in the kitchen.

"Natitiyak kong ang nagtangkang patayin ako sa parking lot ng ospital at ang may kagagawan ng patay na aso ay iisang tao, Louise," aniya, muling lumukob ang takot na naramdaman kahapon nang malaman ang tungkol sa nakasulat sa sahig.

"So okay, there was that message on the floor," ani Eric na hinila ang silya sa tabi ni Louise at naupo, "pero hindi ibig sabihin niyon na ito rin iyong taong sumalakay sa iyo sa Maynila. Ang mensahe sa sahig at ang sinabi ng attacker mo sa parking lot ay maaaring coincidence lang, Anne. For Pete's sake, libong milya ang layo ng Santa Clarita mula sa Maynila!"

Sandaling natigilan si Roseanne. She hadn't thought of that. "K-kung magkaibang tao sila, pareho nila akong kilala, kung ganoon?"

"Pero hindi mo natitiyak na inusal ng attacker mo ang pangalan mo sa parking lot, Anne," patuloy nito. "Ni hindi mo iyon nasabi sa mga pulis. You only thought he did yesterday because of what was written on the floor."

"Nang sabihin ni Luke ang tungkol sa nakasulat sa tiles ay natiyak kong inusal iyon ng lalaking sumalakay sa amin ni Dennis sa parking lot, Eric!" she said with conviction. "Hindi ko matatandaan iyon kung hindi."

"Ang nagpasok ng patay na hayop dito sa kusina ay maaaring isang may diperensiya sa isip na pagala-gala rito sa resort at kilala ang buong bayan," patuloy ni Eric sa resonableng tinig. "Isa pa, ano ang dahilan at susundan ka ng attacker mo rito mula Maynila? That killer didn't know you and Dennis. What happened was a random crime. Besides, kung ang attacker mong iyon ang nananakot sa iyo at sinundan ka rito, why, he could have killed you so easily while you were on the road stranded in the middle of the night."

"You have a point there," ani Louise na nag-isip.

"But I wasn't stranded long." Umiling siya. "Dumating si Luke makalipas lamang ang humigit-kumulang sampung minuto."

"Anything could happen in one minute, Anne. Mula sa pagbaba mo sa kotse sa parking lot hanggang sa pagsalakay ng taong iyon ay wala pang tatlong minuto," patuloy ni Eric. "Kaya huwag mong sarhan ang isip mong magkaparehong tao ang attacker mo sa Maynila, and the one who made that sick joke."

"Well, I hope you're right, Eric," ani Louise. "I hate to think that that criminal really meant to kill Anne!"

Hindi na kumibo si Roseanne. Sana nga ay tama ang sapantaha ni Eric. Sana nga ay gawa lamang ng isang may diperensiya sa isip ang tungkol sa patay na hayop.

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon