5

18.5K 564 23
                                    

MULING umiling si Roseanne. Could she trust this stranger? He had a deep and cultured voice. Very masculine. So what? A good voice didn't guarantee that he was not a rapist... or a psycho killer.

And despite the gentle tone, she could sense his irritation. Dahil saan? Dahil napipilitan itong mag-alok ng tulong o dahil may pakiramdam itong mahihirapan itong biktimahin siya?

"Ale, hindi ako masamang tao," patuloy nito. "Kung araw lang ngayon at nadaanan kita rito kahit na umuulan pa, hindi kita hihintuan. Pero gabi na at bumabagyo at narito kayo sa ilang na lugar sa loob ng kotseng hindi umaandar!"

Roseanne gasped. Sa kabila ng lakas ng ulan ay nahihimigan niya ang iritasyon sa tono ng lalaki.

"Malapit lang ang sa amin..." she shouted back so he could hear. Her teeth were rattling. Her knees were shaking. She didn't realize she was that cold until that moment.Or was it from fear?

"Huwag na tayong mag-aksaya ng oras sa pagtatalo. Ang sabi ko ay hindi ako masamang tao. Mas dadalhin ng budhi ko kung bukas ay mabalitaan kong may mag-inang napahamak sa daan dahil hindi ko isinakay at inihatid pauwi. Now, get out of your car," utos nito sa tinig na hindi na itinago ang iritasyon. "I'll handle your..." Muli nitong niyuko ang bata sa likod, muli itong kumaway at ngumiti. Natanto niyang lalaki ito, "your son."

Hindi agad makapagsalita si Roseanne, ipinagkamali nitong anak niya si Andre. Wala siyang balak itama iyon. Mas mabuting isipin ng estrangherong mag­-ina sila. Tutal, kung hindi nangyari ang trahedyang iyon sa kanya... sa kanila ni Dennis, Andre would have been her legal son by now.

At bago pa siya makapag-isip ng sasabihin ay nawala na sa harap niya ang lalaki. Lumakad ito pabalik sa sasakyan. Sa liwanag na nanggagaling sa taillights ng sarili nitong sasakyan ay nakita niyang malaking tao ito. He was wearing a black leather jacket.

Aalis na ito. Nainis marahil. Muli ay nahahati ang damdamin niya sa pagitan ng takot at sa pagnanais na tanggapin ang tulong nito. Ngunit sa pagtataka niya ay hindi sumakay sa sasakyan nito ang lalaki. Umikot ito sa kanang bahagi ng pickup at may inabot ito sa loob at pagkatapos ay muling nagbalik sa kanya. Muling yumuko at sumilip sa salamin.

"Take this..." Isiningit nito sa kapirasong nakabukas na salamin ang isang bagay.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang inilagay ng lalaki sa espasyong nakabukas. A gun!Panic exploded in her head like a blinding light. Then she heard the man swore that she drew her breath sharply. Mula sa baril ay tumaas ang tingin niya rito.

"Misis, hindi ako masamang tao," muling sabi nito, dinidistansiya ang salita. "Naiintindihan kong natatakot ka. So, here's my gun. Gamitin mo kung wala kang tiwala sa akin. It's loaded." Inalis nitong muli sa may salamin ang baril, binuksan at ipinakita ang mga bala sa kanya.

She had seen guns before. Her grandfather had one, much bigger. So she knew it was real. Bakit may baril ang lalaking ito? Bago pa siya makaisip ng isasagot sa sariling tanong ay nagsalita itong muli.

"They're real bullets. Hindi ko gustong dagdagan ang takot mo dahil pinakitaan kita ng baril. I just don't know what to say for you to trust me. Kung masamang tao ako, madali para sa aking basagin ang salamin ng kotse mo. At sino ang pipigil sa akin para gawin iyon? Walang tutulong sa iyo rito."

Gumapang ang lamig sa buong katawan ni Roseanne. He was right. Sino ang pipigil dito kung gusto nitong barilin ang mga salamin ng kotse niya o di kaya ay basagin ang mga iyon sa pamamagitan ng baril nito? All right, matatagalan bago nito mabuksan ang salamin, but he would eventually.

Her mind ran wild. Isinisigaw na dumaan siya sa kabilang pinto at tumakbo sa gubat. Maililigaw niya ito sa dilim. But what about Andre?

Oh, god.

Did she have a choice? The man offered help. At nag-iisa lang ito. Ibinibigay nito sa kanya ang sariling baril. Pero sapat ba iyon upang magtiwala?

Her heart pounded on her chest painfully as she slowly unlocked her car door.



**********Kumusta mga beshie? Ayos lang ba kayo dyan char hahahaha. Pasensya na at binagyo kami kaya hindi agad nakapag-update. Bawi na lang me mga beshie hahahaha. Mag - ingat kayo palagi. Stay safe and God bless. - Admin  A ********

My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon