Defrozen by emtimony

135 10 16
                                    

[ COACH ] Mick
[ SONG | ARTIST ] Christmas Song | Owl City
[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,446 words

Puno nang galit ang mga matang nakatingin sa kanya. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagsuntok ng kanyang ama sa kanyang mukha. Ang ulo niya ay napuwersa papunta sa kaliwa. Ayaw niyang manlaban dahil kahit anong mangyari'y ama pa rin niya ito.

Isang mas malakas na suntok ang muli niyang natanggap, ngunit sa oras na ito'y dumaloy na ang dugo mula sa kanyang ilong. Ang akala niya ay tapos na subalit tinuhod pa siya nito sa tyan, dahilan upang mapaluhod siya sa sahig at mapaubo ng dugo.

Hinawakan ng ama ang kwelyo ng damit ng anak at inilapit sa kanya. "Simula ngayon, kalimutan mo nang may pamilya ka! Lumayas ka na!" Hinagis niya ang binata palabas ng kusina.

Nanginginig sa sakit ang lalaki nang sinubukan niyang tumayo ngunit nabigo rin. Hindi niya kaya. Nanghihina siya na para bang ang tanging kayang gawin nalang niya ay huminga.

Sinubukan niya ulit tumayo. Humawak siya sa rehas na malapit sa kanya upang suportahan ang bigat. Dahan-dahan niya itong ginawa hanggang sa tuluyan na siyang makatayo. Naglakad siya tungo sa kanyang kwartong nasa kaliwa lang ng kusina.

Nahihirapan niyang binuksan ang pinto dahil sa mga natamo. Ibinagsak ng binata ang kanyang katawan sa kama, at doon ipinikit ang mga mata at itinakip ang braso sa mga ito. Nagsimula siyang umiyak nang mahina. Pinipigilan niyang humagulgol sapagkat ayaw niya itong marinig ng mga nasa labas. Nasaktan siya, hindi lang pisikal ngunit emosyonal din.

At dahil sa sobrang lungkot ay nakatulog na siya nang mahimbing.

---

Ika-unang araw niyang nag-iisa nalang sa buhay. Kanina ay nag-impake na si Sam at umalis ng bahay nang hindi nagpapaalam o hindi nagpapakita sa mga magulang at kapatid. Pumunta kaagad siya sa bahay ng matandang lalaking tinulungan niya noon. Ito na kasi ang pagkakataon upang siya naman ang tulungan nito. At dahil mayaman si Isidro at mag-isa nalang din sa buhay tulad niya, kinupkop na niya ang binata.

Nagdesisyon si Sam na maglakad-lakad muna sa loob ng subdibisyon. Ang bawat bahay ay may mga dekorasyon na para sa darating na pasko. Tatlong araw nalang pala.

Napakuyom siya ng kamao nang makita ang mga ito. Nagsimulang sakupin ng galit ang kanyang puso. Ginagawa nitong malamig na parang niyebe ang kanyang puso. Sino ba naman ang hindi kapag itinakwil ng magulang?

Bumabakat sa puting niyebe ang ilalim ng kanyang suot na sapatos. Lingid sa kanyang kaalamang nasa parke na pala siya. Bago umupo sa isang bakanteng bench ay pinagpagan niya muna ito upang mawala ang niyebe.

Maraming puno sa paligid na ang mga daho'y pinuno na ng niyebe. Ang lupa rin ay ganoon. At dahil napakarami na ng mga ito'y pinaglaruan ng mga bata at nagbatuhan ng bolang niyebe.

Pinanood niya ang mga ito. Kitang-kita ang ngiti sa kanilang mukha. Napakasaya nila. Ngunit nasira ang kanyang pokus nang may babaeng tumawag sa kanya. Lumingon siya sa kanan at bigla nalang siyang nakaramdam ng pwersa at malamig na bagay sa kanyang mukha. Pinagpagan niya ito. Snow. Sinong bwisit ang bumato sa'kin?

Pagkadilat ay nakita niya ang isang babaeng nakasandal sa punong nasa likod nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Merry Christmas!" bati nito at lumapit sa kanya.

Lalapitan na sana siya nito subalit bigla siyang tumayo at unalis na sa parkeng iyon.

Sa sumunod na araw ay bumalik si Sam sa parke. Ganoon pa rin ang kapaligiran pero wala nang bumato sa kanya ng bolang niyebe.

Tahimik siyang nakaupo nang makaramdam siya ng init sa tabi. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na may katabi na siya. Sinilip niya ang mukha nito. Ang babaeng bumato sa kanya kahapon.

Liriko 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon