[ COACH ] Mick
[ SONG | ARTIST ] Christmas Song | Owl City
[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,132 wordsPasko. Isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang mga tao tuwing sasapit ang Disyembre. Maraming regalo, maraming pagkain at higit sa lahat, kumpleto at masaya ang bawat pamilya.
'Yan ang nakasaad sa nadaanan kong psoter sa may National Bookstore. Napailing na lang ako pagkatapos ko itong mabasa. Hindi naman kasi totoo 'yon. Dahil kung totoo nga 'yon, bakit ako mag-isa ngayon? Bakit ni isa sa mga miyembro ng pamilya ko wala man lang nakakaalala sa akin?
Oo pasko ngayon. Pero heto ako, nasa mall at nagpapalamig. Naisipan kong umalis ng bahay kasi wala naman akong kasama. May sarili ng pamilya ang mga magulang ko. Anak lang kasi ako sa labas ng tatay ko kaya ni minsan, hindi ako nagawang pakisamahan ng asawa niya.
Nang makita ko ang print ads sa may Mcdo, medyo tinakam ako. Ang tagal na panahon ko na rin palang hindi nakakakain ng fries at burger. Tsaka may nabasa akong promo yata.
Marami-rami rin ang nakapila kahit na Pasko. Mas gusto pa yata ng mga tao na magcelebrate ng Pasko sa SM kesa sa mga bahay-bahay nila. Mabuti na lang at medyo mabilis ang galaw ng pila. Mga isang tao na lang ang layo ko mula sa counter nang marinig ko 'yung babae sa unahan ko.
"Ate broken hearted ba si Mcdo?" tanong niya na mukhang seryosong-seryoso. Natawa naman ako bigla pero medyo pinigilan ko.
"Po?" nagtatakang sagot naman no'ng babae sa counter. Hindi niya rin siguro inasahan 'yung tanong na 'yon.
"Paano kasi ang lakas makasenti ng mga kanta rito. Nakakahawa." kaswal na sagot niya saka kinuha 'yung tray na may lamang nuggets, mcfloat, mcflurry, fries at apple pie.
Naiwan namang nakanganga si ate sa counter pero nabawi rin niya agad ito nang magsalita ako.
Pagkakuha ko ng order ko, hinanap ko agad 'yung babaeng nagtanong sa counter kanina. Agad ko siyang nakita dahil sa pagkakapusod ng buhok niya na sobrang taas. Simple lang rin ang suot niya. Nakaplain white shirt at nakapants na kupas saka nakaconverse na pure black.
Mukhang mag-isa lang siya kaya wala naman sigurong masama kung makishare ako ng table 'di ba? Wala na rin kasing bakanteng mesa sa dami ng tao.
"Miss okay lang bang makishare ng mesa sa'yo? Wala na kasing bakanteng upuan, e." tanong ko saka lumingon-lingon at tumingin pa ng bakanteng upuan.
"Sige okay lang. Feel free." sagot naman niya saka ako nginitian. Muntik kong mabitawan 'yung tray na hawak ko ng magtama ang mga mata namin. Para kasing may kung ano sa ngiti niya at bigla akong nanlambot.
Agad ko namang naalala 'yung nangyari kanina kaya hindi ko napigilang magtanong.
"Ah miss pwedeng magtanong?" sambit ko na siyang bumasag sa katahimikan namin.
Agad naman siyang napatingin sa akin kasabay ng pagtaas ng dalawang kilay niya. Hindi siguro siya makasagot dahil sa laman ng bibig niya.
"Ano. Narinig ko kasi 'yung sinabi mo kanina sa may counter." medyo nag-alinlangan pa ako kasi baka sabihin niya masyado akong chismoso.
Lumunok muna siya saka uminom sa float niya bago siya sumagot.
"'Yon ba? Wala lang. Napansin ko lang kasi na ang senti ng mga kanta dito. Nakakaemo." sagot niya naman saka tumawa ng mahina.
"Sabagay. Pero buti pala nandito ka ngayong Pasko? 'Diba dapat kasama mo ang pamilya mo?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Ang lakas kasi niyang kumain. Biruin mo, may nuggets na nga, may apple pie rin tapos may flurry pa.
"Dapat kasi magkikita kami ng mga kaibigan ko. Kaso busy daw sila, e. Kaya heto ako nag-iisa sa malamig na hapon. Chos! Sayang naman kasi kung uuwi pa ako, e nandito na rin lang ako. Teka ikaw ba bakit nandito ka?" balik niya naman sa tanong ko.
"Ah, e wala kasing tao sa bahay kaya naisipan ko na lang na magpalamig dito." sagot ko naman saka lagok sa float ko.
"Oh I see. Ay gusto mo libre na lang kita? Tutal birthday ko rin naman." pagpiprisinta niya naman.
"Talaga? Maligayang kaarawan sa'yo." bati ko naman saka ko siya nginitian.
"Naks laleem. Pero salamat! Ano tara na kaya? Dali! Sayang oras, e!" sabi niya sakaako hinila palabas ng Mcdo.
Kung saan-saan kami nag ikot-ikot. Nakakatuwa pala siyang kasama. Hindi kasi siya nawawalan ng kuwento tapos sobrang lakas pa ng trip niya. Kanina kasi no'ng mapadaan kami do'n sa isang stall, bigla niyang kiawayan 'yung isang babae. Tinanong ko siya kung sino 'yon, tapos ang sabi niya naman hindi niya rin daw kilala. Hahaha
Pagkatapos no'n, pumunta naman kami sa Tom's World. Gusto niya raw kasi magbasketball. May sa lalaki yata 'to, e. Joke. Hinamon niya pa ako at sinabing kapag nanalo siya, magvivideoke daw kami pagkatapos at ako lang ang kakanta.
Pumayag naman ako kasi alam kong mananalo ako. Pero nagulat ako nang makita ko 'yung score niya. 854 samantalang ako nakaka 674 pa lang. Hindi ko alam kung paano niya ginawa 'yon. Kanina kasi nang magsimula 'yung time, hindi man siya nakakashoot.
"Oy oy oy. Teka dinadaya mo yata ako, e." pigil ko sa kanya kaya naman hindi nashoot 'yung binato niyang bola.
"Hala. Anong madaya? Wala akong ginagawa huy. Bakit talo ka na ba?" sagot niya naman saka ako tinawanan.
"Kanina hindi ka man marunong magshoot pero bakit umabot ng 800+ yung score mo?" takang tanong ko naman.
"Aba isa lang ang ibig sabihin n'yan!" sabi niya naman saka itinaas 'yung hintuturo niya.
"Ano?" sagot ko naman.
"Videoke na 'yan!" sigaw niya saka ako biglang hinila sa may videoke-han. Napansin ko lang na ang hilig manghila nito ah.
Katulad ng napag-usapan, kumanta lang ako nang kumanta. Mukhang kilig na kilig pa nga siya kasi nakatitig lang sa akin simula kanina. Lakas talaga ng karisma ko. Haha
"Uy kailangan ko ng umuwi. Pinapauwi na ako ni Mama, e." sabi niya pagkabasa niya ng text na kakareceive niya lang.
"Ganun ba? Sayang naman. Tara hatid na kita?" gusto ko pa siyang makasama.
"Hindi 'wag na. Okay lang, malapit lang naman ang bahay namin dito. Kaya ko na." tanggi niya naman.
"Sigurado ka? Tara hatid na kita." tanong ko naman ulit.
"Oo okay lang talaga. Salamat pala ha? Nag-enjoy ako. Sana ikaw rin." sabi niya saka siya ngumiti.
"Ako rin nag-enjoy sobra. Sa uulitin ah tapos ako naman ang manlilibre." sagot ko naman.
"Osige ba. Game ako d'yan. Os'ya, mauuna na ako ah." sabi niya saka hinawakan 'yung magkabilang strap ng backpack niya.
"Teka ano palang pangalan mo?" kanina pa kasi kami magkasama pero hindi niyapa sinasabi 'yung pangalan niya.
"Oo nga pala no. Ako nga pala si Jinnie." sagot niya saka inabot 'yung kamay ko at nakipagkamay. Pagkatapos no'n tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo.
"Ako nga pala si Drew!" sigaw ko naman habang hindi pa siya nakakalayo. Lumingon siya saka ngumiti bago tuluyang lumabas ng mall.
Simula no'n lagi na siyang laman ng utak ko. Halos araw-araw akong umaasa na makikita ko siya ulit. At ngayon, sa ilang sandali magpa- Pasko na naman. Sasapit na naman ang araw ng pagkabuhay ng Diyos kasabay ng araw ng kapanganakan niya.
Kasabay ng pagbati nila ng 'Maligayang Pasko' ay ang pagbulong ko nang...
"Maligayang Kaarawan Jinnie."