Yuletide by thinkerella

262 9 2
                                    

[ COACH ] Ken

[ SONG | ARTIST ] Underneath The Tree | Kelly Clarkson

[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,339 words

"Papa,"

Ni hindi ka man lamang niya nilingon. Naiintindihan mo naman siya sapagkat ilang minuto na lamang ay Pasko na, masyado siyang maraming inaalala. Tinitigan mo na lamang siya habang abala siya sa paninigurado kung maayos ba ang lahat ngayong darating na Pasko, nakita mo ang minsanang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa mahabang, mahabang listahan na kanyang hawak-hawak. Napangisi ka sapagkat ni minsan ay wala ka pang nakitang larawan ng iyong ama na nakasimangot at magkasalubong ang kilay.

Tumingin ka sa paligid at pinanood ang hindi magkamayaw na mga dwende na may buhat-buhat na mga regalo. Gusto mo sana silang tulungan, ang kaso nga lamang ay natatakot ka na baka makagulo ka pa at makagawa ng disgrasyang makakasira sa Pasko ng milyong-milyong kabataan.

Nakaramdam ka ng mahinang tapik sa iyong balikat at nakita mo ang nakangiti mong ina. Simula noong bata ka pa ay ganito na ang itsura niya, ang kanyang pilak na buhok ay maayos na nakatali, ang kanyang mga mata ay marami ng linya ngunit hindi napapawi ang tuwa mula sa mga ito. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin kayang paniwalaan ang katotohanan na hindi sila tumatanda ng iyong ama.

"Tara na sa taas, Yuletide." Tumango ka naman at kayo'y tumungo na sa inyong maliit na tahanan na makikita sa taas ng factory.

Pagkabukas ng pintuan ay sinalubong ka ng init na nanggagaling sa inyong pugon. Umupo ka sa isa sa mga upuang nakapalibot sa isang pabilog na lamesa sa harap noon.

Kumuha ka ng cookie at napangiti sapagkat sa oras na sinubo mo ito ay tila ba sumabog ang tamis at linamnam sa iyong bibig. Hindi ka pa nakakatikim ng cookie na mas masarap sa gawa ng iyong ina.

Hindi pa man din nakakaupo ang iyong ina sa iyong tabi ay may tumawag na sa kanya na dwende. "Mrs. Claus! Malapit na ang kasiyahan, kailangan na namin kayo sa baba!" pagtawag nito.

Lumingon sa'yo ang iyong ina at nakita mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Pinilit mo na lamang na ngumiti at tumango.

Pag-alis niya'y narinig mo ang pagtunog ng malaking orasan na naghuhudyat na Pasko na. Kasabay din nito ang pag-ingay sa factory na nangangahulugang nagsimula na ang kasiyahan.

Ganito ang nangyayari sa tuwing sasapit ang Pasko. Ang iyong ama, na kilala ng lahat sa tawag na Santa Claus, ay abala sa pamimigay ng mga regalo. Samantalang ang iyong ina naman, na kilala ng lahat sa tawag na Mrs. Claus, ay abala sa pag-aasikaso ng kasiyahan na ginaganap bilang pagdiriwang ng isa na namang matagumpay na Pasko, isang Paskong walang umiiyak na bata sapagkat silang lahat ay may natanggap na regalo.

Madalas ay naiiwan ka dito mag-isa sa harap ng baga ng apoy, napapalibutan ng mga regalo ngunit hindi ka masaya sapagkat pakiramdam mo'y may kulang sa iyong buhay.

Naaalala mo pa kung ano ang hiningi mong regalo kay 'Santa Claus' noong walong taon ka pa lamang. Nasa ampunan ka noon kasa-kasama ang iba pang mga batang ulila at isang ideya ang pumasok sa utak mo bago sumapit ang Pasko.

Hiniling mo na sana magkaroon ka ng isang pamilya.

Kaya noong dumating si Santa Claus sa ampunan at sinabing siya at ang kanyang asawa ang iyong magiging pamilya, hindi ka na nag-atubili pa. Hindi ka nagdalawang isip kahit na alam mong kailangan mong iwan si Paulo na siyang kasa-kasama mo sa ampunan simula pa lamang noong mga sanggol pa kayo. Magkasama na kayo bago ka pa man matutong magsalita, maglakad, o maging makasarili.

Labis kang nalungkot para sa kanya. Lalo na noong nakita mo kung paano siya umiyak noong nakita niyang wala ka sa kanyang tabi paggising niya. Kaya simula noong tumungtog ka sa factory ni Santa Claus, bawat regalong hinihingi niya tuwing Pasko ay ikaw mismo ang gumagawa.

Liriko 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon