Adinos, Sacerdotem! by louieadrielle

306 16 15
                                    

[ COACH ] Fall
[ SONG | ARTIST ] Ringing The Bells For Jimmy | Johnny Cash
[ WATTPAD WORD COUNT ] 1,325 word

Sa pagdating ko rito sa bayan, maraming tao ang sumalubong at bumati sa akin. Nagpapasalamat na nagkaroong muli ng pari ang kanilang simbahan makalipas ang halos limang taon. Nakapagtataka lang na nakatiis ang mga tao ritong walang gumagabay sa kanila sa mga salita ng Diyos.

“Sanayan lang po, Father. ‘Pag po may kalabisan sa pera namin, pumupunta po kami ng kabilang bayan para doon ay magsimba. Kung wala po, nagdarasal na lang po kami sa aming bahay ‘pag alas sais ng gabi,” sagot sa ‘kin ng isang tagapaglingkod sa simbahan nang minsa’y tanungin ko ito.

Kaya naman noong una misa ko rito, maraming tao ang dumalo. Pati labas ng simbaha’y may mga nakatayo’t nakikinig sa aking sermon.

Ilang buwan na rin ang nakalipas, naging maayos naman ang pamamalagi ko sa bayang ito. Mababait ang mga tao rito. ‘Pag may ani silang mga gulay at prutas, dinadalhan nila ako. Madali silang pakitunguhan. Iyon nga lamang ay parang ilag sila sa akin sa tuwing tatanungin ko sila kung ano ang dahilan ng kawalan nila ng pari. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at ginawa ang aking tungkulin.

Isang gabi habang tahimik ang buong kapaligiran ay nakarinig ako ng tunog ng kampana. Napabalikwas ako nang bangon at tiningnan ang orasan – alas dose ng hatinggabi. Bakit kaya ang nagpapatunog ng kampana si Mang Elias sa ganitong dis oras nang gabi?

Hindi ko na sana siya aakyatin kaya lang ay walang tigil ang pagtunog nito. Pagdating ko sa itaas, tumigil ang pagtunog nito. Nilibot ko nang tingin ang buong paligid ngunit wala si Mang Elias. Wala rin akong nakitang ibang tao. Kung gayo’y sino kaya ang nagpatunog ng kampana? Siguro’y isa sa mga kasamahan ko lang dito sa simbahan. IItatanong ko na lang sa kanila mamaya.

Kinaumagahan, nakita ko agad si Mang Elias. Tinanong ko siya tungkol doon sa kampana.

“Father, wala po akong naririnig na tunog ng kampana kaninang hatinggabi,” aniya.

Nagtaka ako sa isinagot niya sa akin. “Pero ang lakas ng tunog ng kampana kanina. Wala ka ba talagang narinig?” pag-uulit ko pa.

“Wala po talaga! Herman! Halika nga rito! May itatanong ako sa ‘yo,” pagtawag niya sa kasamahan niyang kasalukuyang naglilinis ng altar.

“Bakit?” tanong nito nang makalapit sa amin.

“May narinig ka bang tunog ng kampana kaninang hatinggabi?” tanong ni Mang Elias.

“Wala. Ang tahimik nga, e!”

Sa isinagot niyang iyo’y nagtaka na ako. Bakit ako lang ang nakarinig ng tunog? Bakit wala silang narinig? Nakita ko pa silang nagpalitan nang makahulugang tingin.

Ilang gabi pa ang lumipas at ganoon pa rin ang nangyari. Tuwing hatinggabi’y malakas na tunog ng kampana ang bumubulabog sa kalagitnaan ng aking tulog. Hindi ko na ito pinansin pero habang lumilipas ang araw ay palakas nang palakas ang tunog nito.

Kaya’t napagdesisyunan kong akyatin ang kinalalagyan ng kampana. Hinanap ko sa bawat sulok ang may kagagawan ng tunog ngunit bigo pa rin akong makita ito. Napatingin na lang ako sa kampana. Ngayon ko lang napansin ang kabuuan nito. Niluma nang panahon ang ginto nitong kulay. Hindi kalakihan ngunit sapat na para marinig ng buong bayan ang tunog nito. Tila nag-aanyayang hawakan ko ito kaya iyon ang ginawa ko.

Napapikit ako. Isang bata ang umiiyak. Masyadong malabo ang aking nakikita. Hindi ko makita ang mukha ng bata. Umiiyak siya habang pinapatunog ang kampana. Minulat ko agad ang aking mga mata. Hindi pa rin pala ito nawawala hanggang ngayon. Nakakakita pa rin pala ako ng mga pangyayari mula sa nakaraan.

Liriko 2: AuditionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon