[ COACH ] Mick
[ SONG | ARTIST ] Christmas Song | Owl City
[ WATTPAD WORD COUNT ] 939 words
Kasabay ng mahinang pagpatak ng nyebe mula sa kalangitan ay ang kalungkutan na aking nadarama. Simula nang nagdaang araw hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-ulan na tila ba nakikiramay din sa aking kapighatian.
"Hija, ikaw ba'y hindi pa rin uuwi? Balita sa radio ang maaaring paglakas ng buhos ng nyebe mamayang gabi." Mula sa pagkakayuko ay nilingon ko ang nagsalita. Si Aling Martha pala, isa sa aming kapitbahay. Hindi maitatanggi ang pag-aalalang kasalukuyang lumalatay sa kanyang mga mata.
"Wala na po akong uuwian," magalang kong sagot sa kanya kasabay ng isang pilit na ngiti.
Hindi ko rin alam sa aking sarili kong paano ko kinakaya ang lahat o kung hanggang kailan ako mananatiling matatag. Masakit. Sobrang sakit.
Life has been good to me until that fateful day happened - the day my parents died due to a fire accident. I was at school then and they were at home even if it's a work day for they were trying to throw a surprise birthday party for me. It was supposed to be happy day for our family. But it didn't happen. I'm an only child and got no one to turn to in this foreign land. I am just 16 but already all alone.
Bumalik lang ang aking diwa sa kasalukuyan nang muling magsalita si Aling Martha. "Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako," sabi niya at tumayo na.
Sa pagkakataon na iyon ay isang totoong ngiti na ang binigay ko sa kanya, "marami pong salamat sa lahat." Tumango siya at ilang saglit lang ay tuluyan ng umalis pauwi.
Tiningnan ko ang aking paligid at doon ko lang napansin na ako na lang pala ang natira rito sa Sementeryo. Napakatahimik ng lugar, sa ordinaryong araw at katatakutan ko ang ganitong kapaligiran pero hindi sa araw na ito. The silence, in a way helps fulfilling my empty heart. Iginala ko pa ang aking paningin at may nakita akong nakatingin lang din sa akin mula sa kalayuan. Binalewala ko lang ito at nagpasya na akong tumayo at nagsimulang maglakad. Kung saan ako patungo ay hindi ko alam.
----------
Isang nakabibinging busina ng sasakyan ang nakapag-paggising sa aking natutulog na kamalayan. Agad kong tiningnan ang pinanggalingan nito at napagtantong ilang metro lang pala ang layo ng sasakyan sa akin, doon ko lang din napagtantong nasa gitna pala ako ng kalsada.
"Leche! Kung magpapakamatay kayong dalawa, 'wag kayong mandamay ng ibang tao!" Bulyaw ng drayber sa akin.
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi sapagkat wala akong kasama. Napunta ang aking paningin sa harapan ng sasakyan at nakita na naman siya, iyong nakatingin sa akin sa sementeryo. Walang babalang pinaharurot ng drayber ang sasakyan kaya agad akong napatakbo sa gilid ng kalsada.
Hinanap siya ng mga mata, mabuti na lang at sumunod na naman pala siya sa akin sa pagtakbo. Lumapit ako sa kanya at yumuko, "salamat," sambit ko sa kanya, "kung hindi napatigil ang sasakyan kanina dahil sa'yo ay baka kasama ko na ang aking mga magulang ngayon." Bumukas ang kanyang bibig na wari ako'y nginitian.
Simula sa mga oras na iyon ay sabay na kaming naglakad ngunit walang alam na patutunguhan. Tahimik ang malawak na kalsada, simbolo na ang mga tao ay nasa kani-kanilang mga bahay at naghahanda sa kapaskuhan kinabukasan. Muli akong nalungkot ... pasko na pala bukas ngunit heto ako at walang ng bahay na matitirhan.
Napatingin ako sa aking kasama at napaisip din sa nangyari sa kanyang buhay. Katulad ko rin ba siya na walang pamilya at wala ng mauuwian? Napahinga ako ng malalim, siguro nga'y katulad ko siya dahil kung hindi'y baka umuwi na siya sa kanila.
Sa durasyon ng aming paglalakbay at panaka-naka ko siyang kinakausap at nilalaro. Kahit papaano ay nabawasan na ang lungkot na aking nadarama nang dahil sa kanya. I never imagined a day of my life to be like this; talking and playing with a stranger whom I just met in the streets under the cold breeze of winter snow.
Gabi na at nasa kalsada pa rin kami. Ang pagbuhos ng nyebe ay palakas na rin ng palakas, kailangan na naming humanap ng masisilungan kung hindi ay mamamatay kami sa lamig. Sa haba ng aming nilakad ay ngayon ko lang napansin na wala na pala kami sa syudad. Ang huling kabahayan na aking nakita ay higit isang kilometro na ang layo. Lumalakas na ang ihip ng hangin kasabay ang malakas na buhos ng nyebe kaya napilitan na kaming tumakbong dalawa.
Tumigil muna kami sa isang waiting shed at nagpahinga pansamantala. Nang may nakita akong umilaw sa 'di kalayuan. "Sa wakas, may masisilungan na rin tayo." Nakangiti kong balita sa kanya. Tumakbo ulit kami papunta sa ilaw na iyon at sa malapitan ay napag-alamang sa simbahan pala iyon nanggagaling.
Pagdating naming sa simbahan ay agad kaming pinatuloy ng isang pari at ipinagamit sa amin ang isang lumang kwarto. Binigyan rin ako ng pari ng malinis na damit pampalit at tuwalya para sa aking kasama. Ilang sandali lang ay kumportable na akong nakahiga sa kama habang ang kasama ko naman ay nagpalakad-lakad muna sa loob ng silid.
"Hey, umupo ka nga," pabirong saway ko sa kanya. Tinignan niya ako at lumapit sa akin, tinukod niya ang kanyang mga kamay at paa sa sahig habang pinupunasan ko ang mabalahibo niyang katawan.
Pinuntahan ulit kami ng pari upang bigyan ng makakain, "malapit ng mag-alas dose, maligayang pasko sa inyo." Nagpasalamat ako sa kanya at umalis din siya agad.
Ilang minuto lang ang lumipas ay tumunog na ang kampana ng simbahan hudyat na alas dose na. Binalingan ko ang aking kasama at ngumiti. "Merry Christmas, Ow." Pagbati ko sa kanya kasabay ng pagbigay sa kanya ng pangalan. Hinaplos ko ang ulit ang kanyang mabalahibong likuran.
Meow meow. Sagot niya sa akin at ako'y napangiti na lamang.