Stephen POV
Nang nakarating na kami sa parking lot ay may napansin akong kakaiba sa kilos nina Macey at Rhianna. Nagmamadali silang umuwi? Lalo na si rhianna? Okay baka emergency or baka hinahanap na sya sa kanila. Nang sasakay na ako ng kotse ay may narinig akong tumatawag sa akin.
Si ann.
Lumingon ako sa gawi nya. Lumapit sya sa akin at nagpacute.
Tsk. MAS cute parin si rhianna ko.
"Ahm stephen, pwede bang pasabay umuwi?"
Tsk! Ayoko! Si rhianna lang pwede makapasok sa loob ng kotse ko!
"Ahh sorry pero nagmamadali ako e. Siguro yung iba nalang sabayan mo. Sige bye." Pagsisinungaling ko. Nang makalayo na ako sa kanya ay dumeretso ako sa mall. Bibili ako ng kwintas para kay rhianna.
Flashback
Speaking of rhianna. Nung first day of school nakita kong nahuli sya sa klase. Ang pagkakatanda ko ay 15 minutes. Yung unang kita ko palang sa kanya, na inlove na ako. Parang " love at first sight'. Nasa bandang gitna akong naupo nun. Pumasok sya sa room at naglilibot libot ng tingin kung saan ang may bakanteng upuan. Nang nakita nya na may bakanteng upuan sa likod ay dumeretso sya dun. Nakakalungkot nga e, hindi pa sya dumeretso dito sa tabi ko. May bakanteng upuan sa kaliwa ko at ang katabin nun ay si macey. Hindi kona sya tinignan pa muli kasi dumating na ung adviser namin. Nagpakilala sya syempre. At ang maganda pa dun, sabi ni ma'am nung kami na magpapakilala ay una ang dulo. Kasi yung unahan kasi lagi ang nauuna e, kaya para maiba sa dulo ang una. Napangisi ako sa sinabi ni ma'am dahil gusto ko ng malaman kung anong pangalan nya. Tinignan ko sya. Bakas sa mukha nya ang kaba. Nang magsasalita na sya ay nakinig ako.
"Ah-h * ehem * M-my name is Rhianna Fajardo. From SAN SEBASTIAN ELEMENTARY SCHOOL. I- i'm 13, y-years old. Thank you. "Utal nyang sabi. Nung narinig ko yung boses nya parang mas ginanahan akong makipagkaibigan sa kanya. Ang kinis at babaeng babae talaga. Pinakinggan ko rin kung sino ang sunod na nagpakilala pero hindi nakatingin ang mga mata ko sa nagpapakilala. Kay rhianna lang ako nakatitig. Nang matapos ng magpakilala si Ann at Macey ay agad akong tumayo.
"My name is Stephen Faulkerson. From SAN ANTONIO ELEMENTARY SCHOOL. I'm 14 years old." Sabi ko.
"Oh! Your so handsome. "Sabi ni ma'am.
Tsk.
Narinig kong nagbubulungan si Ann at ang mga kaibigan nya na ang gwapo ko daw. But i don't care of them! Sa unang tingin mo sa kanila mababait. Pero sa akin? Sa loob looban nila MALALANDI.
Ng matapos ang pagpapakilala ay agad nagannounce si ma'am.
"Itong paaralan na pinasok ninyo ay kilalang-kilala sa buong luzon. Kaya, galingan nyo ang pag-aaral para sa taong ito, para hindi masayang ang expiriences nyo at hindi masayang ang taong ito, higit sa lahat sa eskwelahan na ito. Malinaw?"
"Opo Ma'am! "Sagot namin.
Pagkatapos magkuwento ni ma'am ay recess na. Sinundan ko si rhianna sa canteen. Nakita kong luminga linga pa sya kung saan nya gustong pumila. At ilang sandali lamang ay mukhang nakapili na sya. Pumila sya sa pilahan ng champorado. Nakita kong sinasadyang tinutulak ni ann yung mga nasa harapan nya at mukhang tuwang-tuwa sya doon. Nakita ko din na nilalakasan nya ang pagkatulak at nakita kong nagreklamo si rhianna. Hindi ko narinig pero sa mukha nya ay nababasa kong naiinis sya. Pero nung nakita kong sinampal na sya lalapit na sana ako kaso naunahan ako ni macey. Nakita kong may sinabi si macey at agad itong isinama si rhianna. Sumunod ako sa kanila ng pasimple. Nakita kong dumeretso sila sa room at nag-uusap. Hindi ako nakinig noon. Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi na sila lumabas kaya't pumasok na ako. Naabutan kong tulala si rhianna sa bintana, kaya napangisi ako. Umupo ako sa tabi nya at ng napansin kong umiiwas sya sa mukha ko ay yumuko nalang ako. Magsasalita sana sya kaso biglang pumasok si ma'am at nagsalita.
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Novela JuvenilFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.