CHAPTER 39

1 2 2
                                    

Ann POV

Hindi ko pinapansin si Rhianna pero ng sinubukan ko syang tanungin tungkol sa kanila ni Stephen, nakita kong pinipigilan nya lang umiyak.

Sabi na e....

Ng matapos ang kwentuhan namin ay dumeretso kami sa bahay nila Rhianna. Habang nagbabyahe, hindi ko mapigilan ang kabahan dahil nga kila mom at tito.

Nang nakarating na kami ay halos ilang beses na ako napalunok dahil sa Kaba. Matapos ang usapan at yakapan ay masasabi ko na ang ganda ng araw ko. Tanggap na nila ako.

"Ingat ka Ann. Bukas kung gusto mo pwede ka ulit sumabay sa amin mag lunch." Sabi ni tito sa akin habang nag-aayos ako.

Nginitian ko sya. "Sige po. Salamat po ulit."

"Walang anuman. "Nakangiting sagot ni tito.

"Oh anak, mag-ingat ka ha? Siguro mas mainam na sabihin mo kay papa mo na dumaan ka dito. " Nakangiting sabi ni mom.

"Ah hindi na po. Wala naman syang paki- I me- mean wala naman sya lagi sa bahay." Nakangiting sabi ko.

Hindi nila pwede malaman na wala ng pake sa akin ang dad ko.

Halahatang hindi naniniwala sa akin si mom, pero hindi na nya pinansin.

Lagot.

"Oh sige. Bukas, mag-usap tayo ha? O sya mag-ingat ka anak."  Nakangiting sabi ni mom.

Nginitian ko sya at sinabit ko na ang bag ko sa balikat ko. Nakita kong bumaba si Rhianna at tumatakbo papalapit sa akin. Naka shorts sya at sleeveless. Aaminin kong amputi nya kapag naka-ganyan sya.

Lumapit sya sa akin na nakangiti at yumakap.

"Ingat ka ate. Sabay ulit tayo punta huh?"

Ngumiti ako. "Oo sige. Salamat."

Nagpalitan kami ng ngiti, at dumeretso na sa labas. Ng nakasakay na ako sa kotse ay nakita kong lumabas sila at kumakaway-kaway sa akin. Nginitian ko sila at bumusina na ang ibig sabihin ay aalis na ako.

Thank you mom, tito, especially Rhianna.







Rhianna POV

Ng hindi ko na matanaw ang sasakyan ni ate ay pumasok na ako sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko para tignan kung may text. Nakakapanhinayang dahil wala akong narecieve na text mula kay Stephen.

Nasanay ako na tinetext mo ako.

Habang tinitignan ko pa ang mga nagtext, bigla nalang may tumawag sa akin.

Unknown number.

Sasagutin ko sana kaya lang biglang pumasok sa isip ko kung sino iyon.

Si Xavier.

Nang mamatay ang tawag ay nagtext sya agad.

From: unknown number

Rhianna, please answer the phone.

-emerson

Emerson?

"Sino ba yung–– teka! Si Xavier!" Agad kong binaba ang phone ko sa kama at pumunta sa C.R

Bakit? Ano ba kasing kailangan nya?

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now