Stephen POV
Naaawa ako kay rhianna. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak sa harap ko. Kapag nakikita ko syang nasasaktan, pakiramdam ko pati ako nasasaktan na din. Habang umiiyak sya ay tahimik lang kami sa byahe. Pumunta kami sa park na kilala sa lugar namin.
"Are you okay?" Tanong ko kay rhianna.
"Ahh yes. Dito na ba tayo?" Tanong nya.
"Ahh oo. " Sagot ko. Nginitian ko sya at tinanggal kona ang seat belt ko. Bumaba ako at umikot sa harap ng kotse at tumungo sa gawi ni rhianna. Pinagbugksan ko sya ng pinto at inalalayang bumaba. Hindi ko binitawan ang kamay nya habang naglalakad. Pumunta na kami sa park na sinasabi ko sa kanya.
"Etong park na ito, sabi nila kapag yung taong mahal mo, nakikita mong nalulungkot dalhin daw dito. Kasi habang pinapasyal mo ang taong mahal mo, hindi nya namamalayan na sumasaya na sya sa nakikita nya. Bukod sa view may mga fireworks pa. Mabango pa ang simoy ng hangin. Talagang gagaan ang loob ng mahal ko, kapag pumunta ka dito." Paliwanag ko kay rhianna habang tinitignan ang mga fireworks.
Nakita kong lumingon sya sa akin at ngumiti."T-thank you love. Napakaswerte ko sa iyo." Sabi ni rhianna sa akin.
Tumingin din ako sa kanya at agad na niyakap.
"Ako den, sobrang swerte ko din sa iyo love. I love you." Malambing kong sabi.
Wala akong pakialam kung madami nakatingin sa amin. Basta maramdaman ko lang na okay na ang taong mahal ko, okay na din ako.
"I love you too love." Sagot ni rhianna sa akin.
Kumalas na sya sa pagkakayakap. Nakita kong naluluha sya at nakangiting nakatitig sa akin. Nginitian ko din sya at kinuha ang kamay nya.
"Tara, ipapasyal kita dito." Anyaya ko kay rhianna.
Sumama sya sa akin at sinusulyapan maya't maya. Nakikita kong namamangha sya sa mga nakikita nya. Siguro ngayon pa lang sya nakarating sa lugar na ito.
Buong park pinuntahan namin. Tahimik lang kami sa isa't isa. Nakikita kong nagagandahan talaga sya sa view. Nakikita kong ngumingiti na sya.She's already fine.
"Ahh love, kain na muna na tayo." Nakangiting anyaya ko sa kanya.
"Ang- ang ganda dito, NA ENJOY AKO!" SABI nya at agad na niyakap ako.
Whaaa!
Napangiti ako sa ginawa nya. Niyakap ko din sya. Kumalas na kami sa pagkakayakap.
"Let's go love." Anyaya nya na NAKANGITI NA.
MASAYA na sya.
"Ah love, kailan mo pa nalaman na may ganito pala kagandang lugar dito?" Tanong nya. Agad ko syang hinawakan sa kamay at humarap.
" When i was a grade 6. At ikaw palang ang kauna-unahang babae na dinala ko dito." Sabi ko sa kanya.
Nakita kong NGUMITI ULIT SYA! Nauna na syang lumakad habang hawak parin ang kamay ko.
"Thank you love. Thank you for making me happy tonight." Bulong nya.
Narinig ko iyon! Andwae! Whaaaa!
Napangiti nalang ako kusa. Akala nya hindi ko narinig kaya't hindi nya napapansin na nakatingin ako sa kanya. Pumunta kami sa restaurant at naghanap ng upuan. Wala na kaming mahanap dahil sobrang dami ng tao. May nakita akong may dalawang bakante pa. Pero may isang lalaki na nakaupo. Nakatalikod lang sya sa amin kaya hindi ko sya mamukhaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/225595135-288-k661983.jpg)
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Teen FictionFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.