Rhianna POV
Bakit ganun? Bakit parang nag-iba na ang tingin ko kay Xavier?
"EY! Are you done?" Natatawang tanong ni Xavier.
Takte! Nakatulala na pala ako sa kanya!
"Ah-eh s-sorry. O-oo hehehe." Nahihiyang sabi ko.
Grrr! Nakakahiya!
"Okay. Tara na." Sabi ni xavier at tumayo na.
Nginitian nya ako at tinanguan.
"Tomorrow, I will going to your house huh? Syempre ako lang. I'll talk Ann and your friends na kaya ko na. I will waiting outside of subdivision." Nakangiting sabi ni Xavier habang nagmamaneho.
Pauwi na kami, ihahatid nya muna ako sa bahay kaya hindi na ako tumanggi.
"Okay. Thank you Emerson." Nakangiting sabi ko.
Napalingon sya agad at natawa. Siguro nga nagulat sya dahil sa sinabi ko.
"Emerson or Xavier, it's okay. Name ko naman 'yang dalawa e." Nakangiting sabi nya sa akin.
Nginitian ko lang sya at tumingin sa daan. Traffic na naman. Gabi na pala. Naalala ko yung panahong kasama ko si Stephen. Kailan kaya ulit mangyayari iyon?
Sa hindi inaasang pagkakataon, natapat pa kami sa park na pinasyalan namin ni Stephen. Dahil traffic. Halos tanaw na tanaw ang lugar na iyon. Bawat paligid nun ay may alaala kami ni Stephen.
HAIST......
"Magiging okay din ang lahat. Trust me love." Sabi ni Xavier.
Napalingon agad ako sa kanya, nagulat ako kase tinawag nya akong love. C.S namin ni Stephen iyon eh.
" I told you right? Lately?" Nagpumilit na ngiting tanong ni Xavier.
"O-oo nga pala."
"Okay lang. Sanayin mo nalang." Nakangiting sabi nya.
Nginitian ko sya at ganun din sya. Itinuon ko nalang ulit ang aking paningin sa daan. Sa wakas, nakaalis na kami sa lugar na iyon.
"Teka, patugtog tayo." Sabi ni Xavier. Ngunit hindi ko na sya nilingon. Hinayaan ko na lamang sya gawin kung ano ang nais nya.
Minamasdan kita ng hindi mo alam..
Papikit na sana ang aking mga mata ng narinig ko ang kantang pamilyar sa akin.
Pinapangarap kong ikaw ay akin.
Hindi ko na naipikit pa ang aking mga mata. Dahil pilit kong inaalala ang kantang pinapakinggan namin ngayon.
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
Nanlaki ang mga mata ko dahil sinabayan no Xavier ang kantang iyon. Naalala ko na kung saan ko napakinggan ang kantang iyon.
At sa twing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil ang pangarap ko sinisigaw ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin.
Maganda ang boses ni Xavier. Naalala ko yung panahong pinakanta kami ni sir sa room para sa mga CRUSH namin.
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Teen FictionFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.