Rhianna POV
Hindi ko pinansin si Stephen mula pa kanina. Hanggang sa uwian, hindi ko sya pinansin.
I'm not in the mood.
Akmang papasok na sana ako ng kotse ko, ngunit pinigilan ako ni Stephen. Nakita 'kong bakas sa mukha nya ang pagkalungkot.
"Love, why you didn't unnoticed me? " Nalulungkot na tanong nya.
" Sorry love. But I'm not in the mood." Sabi ko at tinalikuran sya.
"Love- hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya dahil pumasok na ako sa kotse ko.
Nauna na ako sa kanilang umalis, dahil wala talaga ako sa mood.
Ayaw ko ng away. Ng dahil lang sa simpleng bagay.
Nang nasa highway na ako, hindi ko napansin ang isang truck dahil sa iniisip ko. Muntik na akong mabunggo dahil sa bilis ng takbo nya. Bumaba ang driver at kumatok sa bintana ko.
"Hoy miss! Baliw ka na ba? Atsaka ang bata mo pa para magdrive ng ganito! Sa susunod mag-iingat ka!" Sigaw nya at pumunta sa truck nya.
Para akong lutang habang pinapanood ko syang naka-akyat. Binusinahan nya ako dahil nakaharang ako sa daanan. Nagmadali akong umalis at dumeretso sa bahay.
Narinig kong nagri-ring ang phone ko. Agad ko itong sinagot ng hindi ko pa tinitignan kung sino ang caller.
"Hello love!"
Hindi ako kumibo. Mas binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko.
"Love! Dahan-dahan lang! Maaaksidente ka!"
Hindi pa rin ako kumibo.
Pinatay ko na ang linya ng nakarating na ako sa tapat ng subdivision ko. Papasok na ako ng subd ng may narinig ako bumubusina sa likod ko. Tinignan ko ang side mirror ko kung sino iyon. Pero wala pa rin akong reaksyon dahil nga wala ako sa mood.
Inunahan ko na sila sa pagpasok ng subd. Mabilis naman akong nakarating sa tapat ng bahay at nagpark. Yumuko ako sa manibela at nakahawak ang dalawang kamay atsaka umiyak.
Ayaw ko na. Masyado pa kaming bata para sa ganito. Ayaw ko na.
May narinig akong tunog ng busina. Hindi ko pa rin iyon pinapansin. Napansin kong madami sila. May narinig akong kumakatok at tumatawag sa pangalan ko
"Rhianna. Please. Mag-usap tayo." Nagmama-kaawang Sabi ni Stephen.
Sige. Dahil Tama na.
Iniangat ko ang ulo ko at pinunasan ang mga luha ko. Binuksan ni Stephen ang kotse ko at yinakap ako. Hindi ako gumanti ng yakap sa kanya kaya't nakatulala lang ako sa kawalan.
"Love? Bakit biglang nagbago ang iniasta mo?" Nalulungkot na tanong nya.
Bumitaw na sya sa pagkakayakap at tinignan ako ng seryoso.
"Love? Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya.
Nakatitig lang ako sa kanya na parang wala lang.
Lumapit si Ann at sumingit kay Stephen.
" Rhianna? What happened? Diba sabi ko sa bahay ni Macey? Bakit dito? Mamaya- hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng nagsalita ako.
"Tama na. Please? Naririndi na ako. " Naiinis kong sabi.
Nakita kong nag-iba ang reaksyon ni ate dahil sa iniasta ko.
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Novela JuvenilFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.