Stephen POV
Nauna ako kay Rhianna sa pagda-drive. Dahil nasasaktan talaga ako sa desisyon nya.
Tama sya. Masyado pa kaming bata.
Pangalawa ako kay Macey sa pagda-drive. Kailangan nya ng space Stephen. Kailangan ko syang layuan. Kailangan ko syang pagbigyan. Kailangan ko tiisin ang desisyon nya. Kailangan ko din sya irespeto dahil mahal ko sya. Sabi nga nila na kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para lang mapasaya mo sya. Gagawin mo ang lahat para maging komportable sya. Gagawin ko 'to kase mahal ko sya.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay ni Macey. Nagpark muna kami sa labas ng bahay, bumaba agad ako at sumunod kay Macey. Kahit masakit kailangan kong gawin na iwasan si Rhianna.
"Maupo muna kayo." Sabi ni Macey habang inaayos ang bag.
Lumayo ako banda Kay Rhianna, tumabi ako kay Ann at sumandal sa couch.
"So ayun, we are complete. Kailangan nating pag-usapan ng mabilisan ito dahil may lakad kami ni Rhianna. " Panimula ni Ann.
"Wait! Bakit magkalayo ata kayo Rhianna ng bf mo?" Takang tanong ni rhie.
Wth.
Tinapik ni Macey si rhie at sinenyasan.
"I-i mean bakit ang layo ni Stephen. Lapit ka Stephen baka ma-OP ka." Napalunok si rhie habang sumusulyap sa akin.
Hindi ko sinunod ang sinabi nya.
"Okay ganito nalang, ako, Macey, at Sam, tayong tatlo Kay Rhianna. Ikaw may, at Sam Kay Stephen. Ika-
"No. Kaya ko ang sarili ko." Seryosong sabi ko.
"P-pero?"
"I said kaya ko ang sarili ko." Seryosong sabi ko.
"O-okay. Kayong tatlo kay Eunice. Dating gawi okay? Yung paghatid at pagsundo dating gawi. May tanong pa kayo?" Sabi ko Ann.
"Wala na. Okay yun lang. Tara na." Sabi ni Ann at nauna ng tumayo. Sumunod si Rhianna at si Macey. Nagpahuli akong lumabas sa kanila.
Ng nakalabas na ay nagpaalam na ako sa kanila na umuwi.
Nauna na akong umuwi kahit labag sa loob ko.
Kailangan ko to. Dahil ito ang gusto ni Rhianna ko.
Rhianna POV
Masakit para sa akin ang naging desisyon ko. Kailangan namin iyon para sa ikabubuti naming dalawa. Nagpaalam na sila na umuwi kaya't kaming tatlo nalang ni Macey at Ann ang naiwan.
"Okay ka lang? Pansin ko may mali e. " Seryosong sabi ni Ann.
"S-sige na, punta na tayo sa inyo." Naiilang na sabi nya.
Nauna sya sa akin pero kinuha ko ang braso nya.
"Tama ka ate. May mali. " Seryosong sabi ko.
Nakita kong nalungkot silang dalawa dahil sa sinabi ko. Yumuko muna ako at huminga ng malalim. Ibinahagi ko lahat ang naging usapan namin ni Stephen. Nakita ko ang pag-iiba ng reaction nila kaya napayuko nalang ako at umiyak.
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Novela JuvenilFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.