Nang sinabi ni Stephen sa akin yun ay para bang gusto kong tumakbo. Kinikilig ako e. Nanlaki ang mga mata kong tinignan sya. Hindi parin maalis sa mga mukha nya ng bakas ng pagkasaya. Para bang ang saya saya nya dahil nasabi na nya agad yung nararamdaman nya.
Tatayo na sana ako para pumunta sa gawi ni Macey kaso dumating agad sya.
"Andito na ang order ko. Treat ko 'to guys ha? "Masayang sabi ni Macey sa amin.
"Thank you Macey." Sabi ko at nginitian ko sya ng sinsero.
"Your welcome Rhianna." Nginitian nya din ako.
"Thank you Macey. "Sagot din ni stephen sa kanya.
"Welcome." Pagkatapos naming magpasalamat kay Macey ay agad na kaming kumain. Habang kumakain ay nagtanong si Macey sa amin.
"Ano nga ulit pangalan nung magta transfer sa atin? "
"Xavier Emerson Enriquez." Sagot ni stephen kay macey.
"Katabi mo sya rhianna di ba?"
"Ahh oo. Sana nga mabait. "
"Kahit hindi naman e, kasi may MABAIT ka ng katabi. "Sabi ni macey sa akin at ngumisi kay stephen.
Habang kumakain ay daldal ng daldal si macey. Sana daw hanggang sa college nya ay maganda parin ang pag-aaral nya dito. Sana daw walang may mambubully sa kanya. Sana daw makahanap daw sya ng FOREVER.
Nang natahimik na sya ay tapos na kami kumain. Nagpaalam na si stephen sa amin para mag C.R. Habang naglalakad kami patungo sa room ay tinanong ako ni macey.
"You like him? "
O_O
Nu daw? Sino? Alam nya na?
"S-sino? "
"Si stephen. "Nakangiting tanong nya.
"Ahh ano kase-" hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya.
"Pansin ko kanina ang pag-ilang mo kay stephen. "
O_O
"Ahh akoo? Ano kase may sinabi sya sa akin. "
Sasabihin kona ba?
Sige na nga."Na gusto ka nya?"
O_O
A-anong?
"Ah-h oo daw. Pero ano -"
"Aminin mo na YIEE! "
Wow! Nanunukso ka din pala.
'Wag kang maingay ha?"
"Sige sige. You like him?" Masayang tanong nya.
"Oo kasi-"
Tsk. Hindi pa nga ko tapos magsalita e!
"Nux! Nu kaba, halata kaya. Namumula ka. KANINA PA."
O_O
Eh?
"P-pero ayaw kong umamin sa kanya e. "
"Naiintindihan ko. Sige basta panindigan mo yan! Yieee! "
Sige tukso pa! Kinikilig ne nge ke e enebe! Hoy self! Umayos ka nga.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay agad na kaming pumunta sa room.
Wala pa si Ann.
"Rhianna, mamaya ha? Susundan ulit kita." Pabulong na sabi sa akin ni Macey.
"Sige. "Sagot ko.
Nang umupo na ako ay bigla namang bumasok sila Ann at ang mga new friends nya. Hindi ko sila tinignan kasi alam kong nakatingin sila sa akin. Pagkatapos ng ilang minuto ay pumasok na si stephen sa room. Agad nya akong tinanong.
"Ahm Rhianna, yung sinabi ko sa iyo kanina, totoo yun ha? "
Tsk.
"Ahh okay. "Walang ganang sagot ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng gana. Muli akong tinawag ni stephen.
"Ahm rhianna, for you."Nagulat ako sa sinabi nya. Agad akong napalingon sa kanya at nanlaki ang mga mata kong tinitignan yung ibinigay nya.
C-chocolate and flowers? Tapos may papel na maliit doon sa chocolate. Nakadikit iyon.
"Sige na, tanggapin mo na. 'wag ka ng mahiya. "Sabi nya sa akin.
"Oo nga! Tanggapin mo na rhianna! "Sigaw sa akin ni Macey.
Nilingon ko sya at bakas sa mukha nya ang kasiyahan.
"S-salamat. "Tinanggap ko yung ibinigay nya. Itinago ko sa bag ko iyon at humarap ulit kay stephen.
"Stephen, t-thank you ulit hehe. "
E? Gulo mo rhianna!
"Always welcome." Binigyan nya ako ng napakagandang ngiti.
Magsasalita pa sana si macey ng pumasok si ma'am.
"Bukas na darating xavier. Uupo sya sa tabi mo Ms. Fajardo ha? "Sabi ni ma'am sa akin.
Tumango ako bilang sagot.
Pagkatapos ng isang oras ay uwian na. Nang lalabas na kami ni macey sa room ay lumapit si stephen sa amin.
"Next time, ako na maghahatid at susundo sa iyo rhianna." Sabi ni stephen sa akin.
"Ehem! NEXT TIME NALANG? Sa ngayon AKO MUNA HA? Ako ang una nyang naging close dito, at ako ang KAIBIGAN nya. Okay? "Sabi ni macey.
"I said NEXT TIME. Not NOW." Nakangising sagot ni stephen sa kanya.
"Ahm! Tara na, uwi na tayo guys? "Pag-iibang topic ko sa kanila.
"Tara na. "Sabi ni macey.
Nang papalabas na kami ay naabutan namin sila ann at mga kaibigan nya na pauwi na rin.
Nang makalapit na ako sa kotse ko ay agad akong sinenyasan ni macey na sumakay agad at umuwi.
Nang nakasakay na ako sa kotse ay agad ko ng pinaandar iyon at mabilis na lumisan sa lugar na iyon.
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Roman pour AdolescentsFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.