CHAPTER 28

1 2 0
                                    

Rhianna POV

Nang nakapunta na kami sa canteen ay agad kaming naghanap ng bakanteng upuan.
Swerte namin dahil may bakante pa. Yung pwesto namin ni stephen nung umamin sya? Doon pa rin kami ngayon.

Panes!

Agad akong hinawakan ni stephen sa kamay at pumunta kami sa gawi na iyon. Tumingin ako kay macey na mag-oorder ulit, at sinenyasan na gawin na namin ang plano namin.

Nag-order kasi si ann, so sabi nya, buntot sya ni ann.
Kasama din yung tatlo nyang kaibigan.

Nang nakaupo na kami ay nagsalita si stephen.

"Bukas, magdate tayo love. Secret kung saan. Magpapaalam ako sa dad mo." Nakangiting sabi nya.

Omay! Pag ngumingiti sya, KINIKILIG AKO!

"Ahhh s-sige." Nahihiyang sagot ko.

Bigla nalang may humatak sa buhok ko at itinulak ako sa sahig. Aaminin kong masyadong masakit kaya natumba ako.

Sino ba yon! Teka, si ann kaya?

Nang hinawi ko ang buhok ko sa mukha ko, NANLAKI ANG MGA MATA KO.

" WHAT THE HECK ARE YOU DOING EUNICE?! BULLSHI*!" Sigaw sa kanya ni stephen.

Agad na lumapit sa akin si stephen at inalalalayan. Tumingin ako sa paligid ko at lahat sila ay nasa amin ang atensyon.

"STEPHEN? BAKIT? BAKIT SYA?" naiiyak na tanong ni eunice kay stephen.

Agad na lumapit sa tabi ko si ann.

"What the heck are you doing eunice?" Naiinis na tanong ni ate ann.

Magkakilala sila?

"Itong babaeng 'to! Mang-aagaw!" Sigaw ni eunice sa akin.

"Hoy! 'Wag mong pagsabihan ng MANG-AAGAW si rhianna!" Nagagalit na sa sagot ni ann.

"Pwede bang 'wag kang makialam dito?" Naiinis na pakiusap nya.

"At bakit!? May karapatan akong tulungan ang KAPATID KO!" Sigaw ni ann.

Nagulat si eunice sa sinabi ni ann.

"What? Are you kidding?" Nakangising tanong ni eunice sa amin.

"PWEDE BA EUNICE! MANAHIMIK KANA! WAG MONG PAKIALAMAN ANG BUHAY NAMIN! MATAGAL NA KITANG KINALIMUTAN! IKAW TONG NANG-IWAN TAPOS IKAW PA ITONG GALIT!? PLEASE! STOP DOING LIKE DOG! NA SUNOD NG SUNOD SA AMO NYA! " Nanggigil na sigaw ni stephen.

Akmang lalapit na sana si eunice sa amin ngunit pinigilan sya ni..

XAVIER?

Bakit sa twing may dumarating na kaguluhan, anjan sya lagi?

"Don't act like a kid eunice. 'Wag mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka gusto."nagagalit na sabi ni xavier sa kanya.

"Bakit ba!? 'Wag ka nga ring mangialam dito!" Sigaw ni eunice.

Humarap si eunice sa gawi namin.

"TANDAAN NYONG LAHAT! I WILL MAKE A WAY TO HOW I GOT YOU STEPHEN. " NANGGIGIL na sabi nya at umalis na.

Lumapit sa akin silang tatlo.

Wow! Daming concerned.

"Are you okay bunso? What happened?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.

"Bigla nalang sya sinabunutan ni eunice. TCH! " Naiiinis na sabat ni stephen.

"Love, tara na nga. I'm so sorry love dahil kay eunice, nasaktan ka." Malungkot na sabi ni stephen.

"Okay lang ako. Thank you." Sagot ko.

Tumingin ako sa gawi ni xavier, nakatingin sya sa akin at malungkot ang mga mata nya. Bigla nalang sya tumalikod at umalis.

Xavier....

"Juskoh! Rhianna, lintek talaga na eunice na iyon. Anong problema nun?" Nag-aalalang tanong sa akin ni macey.

"Kumain na muna tayo, pumunta na tayo doon at umupo. Mukhang nasaktan ang kapatid ko." Sabi ni ate at inalalayan akong pumunta sa pwesto namin.

Nang nakaupo na kami, ay pumwesto si ann sa harap ko. Sa kaliwa ko ay si stephen at sa kanan ko ay si macey. Ang katabi ni ann ay sila rhie, may at sam.

"Ate, paano kayo nagkakilala ni eunice?" Takang tanong ko.

Natigilan si ate sa pagngunguya.

"Ano kase...... Ano" nag-aalangan na sagot ni ate ann.

"Magkaklase kami dati. When we was grade 3." Sabat ni rhie.

Tinignan ni ann si rhie na ang ibig sabihin bakit mo ako inunahan?

"Sorry. " Sagot ni rhie.

"Teka, magkapatid pala kayo ni rhianna, kaya pala hindi mo na tinuloy ang plano." Sabat ni may.

Plano? So may plano pa pala sila incase na naiinis pa rin sya sa akin? Tsk.

Biglang natigilan ulit si ann.

"Sorry." Sagot ni may.

"Ahm ate, sasabay kaba sa amin mamaya?" Pag-iiba ng usapan ni macey.

"Ahh oo. " Maikling sagot ni ann.

Mukhang tahimik si sam ha?

"Teka, san ba kayo- hindi pa natapos ang sasabihin ni rhie ng nagsalita si ann.

"Pwede ba girls? Manahimik nalang kayo okay? Gayahin nyo si sam. Tsk." Nagpipigil galit na sabi ni ann.

Kumain nalang kaming lahat nang tahimik.

Nang patapos na kami, ay biglang nagsalita si rhie.

Tsk. Daldal naman nito.

"Rhianna, pwede bang makipag-kaibigan?" Nakangiting tanong sa akin ni rhie.

"Oo nga, ako den!"

"Ako den?"

Sabi pa nila may at sam.

Wow! Ang dating kaaway ko, ay mali. Ang dating umaaway sa akin, nakikipag-kaibigan naaa!?

"Okay guys, we need to go to our room. Malelate tayo." Singit ni stephen.

Buti naman at nagets nya ang mukha ko.

Nagdadalawang -isip kasi ako kung ano ang sasabihin ko dun sa tatlo.

Bumalik na kami sa room at umupo. Bigla nalang dumating si ma'am at nagdiscuss.

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now