Rhianna POV
KINABUKASAN.
Gumaan ang pakaramdam ko dahil sa pagdamay sa akin ni stephen.
Nag-ayos na ako at agad na bumaba. Laking gulat ko ng makita ko si stephen na nakaupo sa couch.
Anong ginagawa nya dito?
"Oh! Goodmorning anak. Kanina ka pa inaantay ng boyfriend mo." Bungad sa akin ni dad.
Nginitian ko sya at iginala ang paningin ko.
Wala si mom.
Agad akong umupo at kumain. Habang kumakain ay nag-uusap sila dad at stephen. May itinanong si dad kay stephen at muntik na akong mabilaukan.
"Stephen, siguraduhin mong iiangatan mo ang anak ko. May tiwala ako sa iyo. Teka, bukod sa kanya, may naging nobya kana ba?" Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tubig.
Lumapit sa akin si stephen at inalalayan ako.
"Are you okay love?" Nag-aalalang tanong nya sa akin.
"Ah oo hehe. Sige akyat na muna ako, kukuhanin kona ang gamit ko." Sagot ko.
Agad akong pumunta sa kwarto. Mabilisan kong kinuha ang gamit ko at dahang dahan lumabas.
"Ahh meron po dad. Kaso ngalang po, kinalimutan na nya ako. Nag-aral sya ng tatlong taon sa america, ang akala ko nga po, isang taon lang. Hindi rin po sya nagpaparamdam, kahit isang text or tawag, wala po akong natanggap." Paliwanag ni stephen.
Totoong too yung sinabi nya. Totoo talaga ang love ko.
"Ah ganun ba? Paano kung isang araw, nagkita kayo ng ex mo tapos nakita nyang kasama mo ang anak ko, anong gagawin mo?" Tanong ni dad.
WHAT THE HECKKKKKK! KAHAPON NGA NANGYARI YUN EH! HUHU.
BUMABA na agad ako at dumeretso sa sala. Lumapit ako kay dad at humalik sa pisngi nya.
"Mauuna na po kami dad." Paalam ko.
"Ah okay sige. Ingat kayo. Stephen ha? Yung anak ko." Sabi ni dad.
"Ahh opo dad. Mag classmate naman po kami kaya mababantayan ko po ang girlfriend ko." Nakangiting sabi ni stephen.
Hakdog!
"Oh sige sige." Sabi ni dad. Agad na kaming nagtungo sa kotse nya at sumakay. Lumingon ako kay dad at kumaway. Hanggang sa hindi kona sya nakita.
"Love, sorry kahapon ha? Napatulala ako sa babaeng hindi na ako inalala pa." Sabi ni stephen.
Oo na.
Tumingin ako sa kanya at nginitian.
"Okay lang love. Basta lumayo kana kay eunice ha?" Pabebeng tanong ko.
"Tch! Oo naman! Tsaka wala na akong pake doon. Kasi ikaw na ang tinitibok ng PUSO KO LOVE." Sabi sabay KINDAT.
Eh! HAHAHAA KINIKILIG ULET AKO!
Nakarating na kami sa school. Agad nyang pinark ang kotse nya sa parking lot. Sabay na kaming pumasok sa room. Habang naglalakad patungo sa room ay may narinig akong nagsalita sa likod namin.
"Akalain mo nga naman? May girlfriend na nga yung tao, inaagawan pa?! Tch! Ang landi landi talaga!" Mataray na sabi ni........
Teka? Boses ni...
ANN YON!
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Ficção AdolescenteFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.