Rhianna POV
Sumama ako kay Xavier papunta sa park. Gusto ko munang magpahangin kahit papaano. Saglit lang naman kami kase kailangan ako ni Stephen. Sana nga pagbalik ko kilala pa rin ako ni Stephen. Sana nga.
"Kakayanin mo bang mawala si Stephen ng isang taon?" Malungkot na tanong ni Xavier.
Hindi ako tumingin sa kanya. Nakatulala lang ako sa mga bata na naglalaro.
Hinde. Hindi ko kaya. Pero kailangan nya eh. Kailangan nya.
"Hindi. But he need that. Sana nga gumaling sya." Malungkot na sagot ko.
May luha ng dumadaloy sa pisngi ko pero hindi ko pinansin. Nakatulala lang ako dahil sa sobrang lungkot.
Bumuntong hininga si Xavier at hinawakan ang kamay ko.
"Just pray for him." Malungkot na sabi ni Xavier.
"Pumasok kana next week okay? Pahinga kana lang. Kahit ako naman ang magbabantay kay Stephen." Seryosong sabi ni Xavier sa akin.
"Kailangan ka din ng mga kaibigan mo. Kailangan ka din ng kapatid mo. Nag-aalala kami sa iyo kase wala ka ng maayos na pahinga." Malungkot na dagdag nya.
Tumulo na naman ang luha ko hanggang sa tumuloy-tuloy na ito. Hindi ko kayang mapalayo si Stephen sa akin pero mas kailangan nya iyon.
Kailangan nyang magpa-opera.
Naapektuhan ang pag-iisip ni Stephen dahil sa malakas na pag-untog ng ulo nya. May damage ang ilang bahagi ng ulo nya, na syang dahilan kung bakit kailangan syang operahan. May amnesia din sya. Amnesia na kahit kaka-kita lang namin, hindi na nya agad ako kilala. Unti lang naman na amnesia ang sabi ng doctor. Pero para sa akin, malala na iyon. Pwede daw na magamot ng 50%. Pwede din hindi na.
"Sana nga gumaling na sya. Sana." Wala sa sarili kung sabi.
Habang nakatulala, hindi ko namalayan na may mga tao na sa tabi ko. Nagulat na lamang ako kase sila pala iyon.
"Are you okay Rhianna?" Malungkot na tanong ni Macey.
Nginitian ko sya ng pilit at umiwas ng tingin. Hindi ko sya sinagot kaya't nanahimik nalang sya. Alam kong gustong-gusto nya akong tanungin. Nila. Gusto nila akong tanungin pero may araw din jaan.
"Silip muna tayo kila Stephen huh? Tapos kailangan mo ng umuwi bunso. Nag-aalala na sila mom at tito." Malungkot na sabi ni Ann.
Tumango ako at tumayo. Inalalayan nya akong lumakad papunta sa room ni Stephen. Kinakabahan ako kase baka hindi na nya ako makilala. Kinakabahan ako kase baka ipagtabuyan na nya ako. Kasalanan ko ito, kung pinansin ko lang sya nung nakaraan, baka walang ganito ang nangyari.
Nagising na ako sa reyalidad ng kumatok na si Ann sa room ni Stephen. Halos kainin na ako ng lupa dahil sa Kaba. Hindi ko makakaya kapag kahit ako, makalimutan nya.
Ng nakatapasok na kami, ay nadatnan naming tulog si Stephen. Andun din sila tito at tita. Umiiyak na naman si tita kaya't nakaramdam ako ng awa.
This is my fault love.
"Kamusta sya tita?" Nag-aalalang tanong ni Xavier.
Tumayo si tito at hinarap kami.
"I'm so sorry. Kahit ako, hindi na nya nakilala. Paano pa kaya kayo na mga kaibigan at kaklase nya. Lalo na ang ka M.U nya." Seryosong sabi ni tito.
Para akong nanghina dahil sa sinabi ni tito. Hindi ako makapaniwala na kahit sya, hindi na makilala ni Stephen.
"Ipinagtabuyan nya ako. Hindi nya daw ako KILALA. Hindi nya din ako pinapansin dahil nga sa sakit nya. Wala akong nagawa kundi ang umalis kahit labag sa loob 'ko." Dagdag ni tito.
Hindi ko na matiis. Naiyak na ako at yumakap Kay Ann. Hindi ko kayang makita si Stephen na parang wala lang ako sa kanya. Hindi.
Xavier POV
Halos lahat kami nagulat dahil sa sinabi ni tito.
Maaaring ganun din ang mangyari mamaya.
"Kailan nyo po balak paoperahan si Stephen tito?"
"Next week. Kapag okay na ang mga gamot na tinuturok sa kanya. Naayos na namin ang lahat, sya nalang ang inaantay."
"Hanggang kailan po kayo sa America tito?"
"I'm not sure. But I think, it depends to Stephen. Baka gusto na nyang manirahan doon, depende." Pagkasabi ni tito ay napaiwas ako ng tingin.
Naaawa ako kay Stephen, lalo na Kay Rhianna. Nakatulog si Rhianna dahil sa sobrang pag-iyak. Narinig naman ng mga kaibigan nya ang pag-uusap namin ng dad ni Stephen.
"Maghihintay ako love. I'm here waiting to you." Napatingin kaming lahat Kay Rhianna. Nananaginip siguro sya. Dahil nagsasalita sya habang tulog,paniguradong si Stephen ang kausap nya sa panaginip.
Napabuntong hininga nalang kaming lahat. Nakakabingi ang katahimikan. Umupo ako sa tabi ni Rhianna at sinandal ang ulo ko sa pader.
"Mom?" Napabalikwas ako ng tingin Kay Stephen. Nagising na sya.
Agad naman tumayo si tita at pumunta kay Stephen.
"Anak-"
"Who are they mom?" Nagtatakang tanong ni Stephen.
Bigla namang nagising si Rhianna. Nakatuon agad ang paningin nya kay Stephen, kaya't agad itong tumayo.
"Love! H-how are you love?" Nag-aalalang tanong ni Rhianna.
Nakatingin lang si Stephen kay Rhianna. Walang reaction at para bang nagtatanong na kung sino ang babaeng kumakausap sa kanya. Naaawa ako sa kanilang dalawa. Sobra.
Kung dati ay makita palang ni Stephen si Rhianna, nakangiti na ito, ngayon wala. Wala syang karea-reaction.
"Who are you? Why are you call me LOVE?" Seryosong tanong ni Stephen.
Napaiyak nalang si Rhianna dahil sa naging reaction ni Stephen. Tumayo ako at lumapit Kay Rhianna. Niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi ko kayang makita na umiiyak si rhianna.
Kumalas na sya sa pagkakayakap at hinarap si Stephen.
"I'm here waiting to you love." Naiiyak na sabi ni Rhianna.
Nakita kong seryosong-seryoso si Stephen na nakatingin Kay Rhianna. Wala na ang dating Stephen na kilala namin.
"Tita, alis na po kami. " Nahihiyang paalam ni Rhianna.
"Sige. Mag-iingat kayo."
Akmang tatalikod na si Rhianna ngunit tinawag ito ni Stephen.
"Love?"
Tumingin si Rhianna Kay Stephen ng malungkot.
"Are you kidding? Wala akong maalala na may girlfriend ako." Seryosong sabi ni Stephen.
Tumalikod ulit si Rhianna at umiyak. Lumabas na kaming lahat sa hospital ng malungkot. Malungkot para sa kanila ni Rhianna. Nadatnan namin si Eunice na nagmamadali papunta Kay Stephen. Ewan ko lang kung makilala din sya.
Lumapit ako kay Rhianna at yinakap ko sya.
"Ako muna ang sasandalan mo habang wala ang LOVE mo."
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Teen FictionFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.