CHAPTER 26

2 2 0
                                    

Ann POV

Lumapit si rhianna sa akin at yinakap ako.

Thank you sa pagdamay bunso.

"Ilabas mona lahat ang sakit ate. Wag kang mag-alala, pinapatawad na kita sa mga ginawa mo sa amin ate. Pero may gusto pa sana akong itanong." Sabi sa akin ni rhianna.

Kumalas ako sa pagkakayakap. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at nagtanong.

"Ano yon bunso?" Tanong ko.

"Kaano-ano mo si macey? Pinsan mo ba talaga sya?" Tanong nya.

"Oo. Kapatid ni dad ang mom nya. Kaya, pinsan ko sya pero half lang din." Paliwanag ko.

"Ahhhh kaya palaaa." Hindi na makapaniwalang sabi ni rhianna.

"Salamat pala sa pagpapatawad mo sa akin bunso. Sorry and thank you." Nakangiting sabi ko.

"Wala iyon ate, bukas sabay ka sa amin pumasok? Tapos uwi?" Tanong nya sa kin.

"Nagtitiwala ako sa iyo ate. Wag ka ng mahiya." Dagdag pa nya.

Nginitian ko sya at sumagot.

"Sige salamat. " Sagot ko.

"Puntahan monalang ako sa harap ng subd. Baka kasi makita ka ni mom, magalit pa. Wag kang mag-alala, bukas din sasamahan kita kay mom." Sabi nya.

Yinakap ko sya habang naluluha ulit ako.

"Thank you bunso." Naiiyak kong sabi.

"Wala iyon. Sige na ate, tama na yan HAHAH smile kana?" Nakangiting sabi sa akin ni rhianna.

Ang ganda nya maging kapatid.

Nagsmile ako ng pilit at natawa nalang kami dahil sa ginawa ko.

Bigla nalang bumaba si macey at pumasok naman si stephen sa loob.

"Mukhang okay na ah? Edi happy na? " Nakangiting sabi ni macey.

"Yes! Naman!" Masiglang sagot ni rhianna.

Natawa nalang kami sa reaction nya. Paano ba naman, bigla nalang itataas ang kamay at nakahawak sa bewang ung isa tapos sisigaw pa.

"Love, patawarin mona si ate." Sabi ni rhianna kay stephen.

Nag simpok na kilay si stephen at humarap sa akin.

Masakit para sa akin ito, pero kakayanin kong mawala ang nararamdaman ko sa iyo.

"Oo na! Basta't wag mong sasaktan ang girlfriend ko." Naiinis nyang sabi.

Nagtawanan nalang kami dahil sa reaction ng mukha nya.

Ang saya nyo siguro kasama?

Nagpaalam na kaming tatlo kay macey na umuwi na. Nang nakauwi na ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiti mag-isa dahil sa ginawa ni rhianna, stephen at macey kanina.

I promised na hindi kona kayo guguluhin.


A/N: SORRY AGAIN DAHIL MAIKLI LANG ANG CHAPTER NA ITOOO. Thank you readers!

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now