CHAPTER 01

18 3 2
                                    

"Okay class. My name is: Ms. May Salazar. I'm your adviser. I'm a single. "Pakilala ni Ma'am.

"Okay, tutal first day class, magpakilala kayo isa isa. Simulan natin sa dulo. Para maiba naman. Lagi nalang nauuna ang harap diba? Okay. Let's start. Btw, ang sasabihin nyo ay 'name nyo, saang school kayo galing, at age nyo'. Okay. Let's start at the back." Mahabang sabi ni ma'am

Eh? Ako ang dulo, so ako una magpapakilala? Tsk.

Tumayo ako at nagpakilala.

"Ah-h * ehem * M-my name is  Rhianna Fajardo. From SAN SEBASTIAN ELEMENTARY SCHOOL.  I- i'm 13, y-years old. Thank you." Utal kong sabi sa harap ng mga classmate ko.

"Okay next. "Sabi ni ma'am.

"My name is Ann Del Mundo. From SAN SEBASTIAN ELEMENTARY SCHOOL. I'm 14 years old. Thank you!" Sabi ng classmate ko.

Hindi ko sya mamukhaan.

"Okay next."

Tumayo ang isang lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong, manipis ang labi, at singkit.

"My name is Stephen Faulkerson. From SAN ANTONIO ELEMENTARY SCHOOL. I'm 14 years old." Sabi ng classmate kong lalaki.

"Oh! Your so handsome. Okay next."

"My name is Macey Rin. From SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL. I'm 13 years old."

Maganda sya, maputi, matangos ilong, super straight ang buhok,manipis ang labi.

Nang matapos na ang pagpapakilala namin sa isa't isa ay nagbahagi ng kwento ang adviser namin.

"Itong paaralan na pinasok ninyo ay kilalang-kilala sa buong luzon. Kaya, galingan nyo ang pag-aaral para sa taong ito, para hindi masayang ang expiriences nyo at hindi masayang ang taong ito, higit sa lahat sa eskwelahan na ito. Malinaw?"

"Opo Ma'am! "Sagot namin.

Pagkatapos magkwento ng adviser namin ay bumaba ako upang magtungo sa canteen. Pumunta ako sa mga nagbebenta ng "champorado" at pumila.  Habang nasa pila ako ay para bang may tumutulak sa akin ng malakas. Hindi ko na pinansin iyon pero nung lumalakas ng lumalakas ay nagreklamo ako. Humarap ako sa likod ko at sinabing:

"'wag nga kayong manulak! Nadadamay yung mga nasa harapan! Tsk! "Sigaw ko sa bandang likod ko. Maya maya ay may lumapit sa aking babae at hinarap ako. "Kung ayaw mong madamay, HUWAG KANG MAKISALI!  "

Teka, classmate ko 'to ha? I thinkkk sii ano to e, AYUN! si ann del mundo!

"Anong makisali? Nagrereklamo ako kasi puro tulak, hindi ako mapakali." Mahinhin kong sabi.

"Ahh ganon?  Kung ayaw mo edi umalis ka dito! "Pasigaw nyang sabi.

Mukhang maangas tong babaeng to ha.

"Eh pano kung ayaw ko? May magagawa ka? Pumila ako dito kasi gusto ko ang bum-" hindi pa natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong sampalin.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo ba ako kilala kung sino ako sa school na ito!?" Sigaw sa akin ni Ann.

Eh? First day palang e. Natural hindi pa gaano. Pero mukhang alam kona agad ang ugali mo.

"Tama na! "Sigaw ng babae sa likod ni ann.

Teka, classmate ko din ito ah? Si ano to e....... Ayun! Si Macey!

I'm Here Waiting To You (On Going)Where stories live. Discover now