Xavier POV
Nang sinundan ko si eunice, ay muntik pa akong mabunggo dahil sa sobrang bilis nya.
Hanep.
Nang nakarating na sya sa canteen, ay mas binilisan ko pa. Naabutan ko ang lahat-lahat ng pangyayari. Subalit, naki-eksena lang ako ng akmang sasaktan nya si rhianna.
Subukan mo lang sya saktan. Ako makakaharap mo eunice.
Ang dating eunice na gustong-gusto ko, ngayon, wala na akong pakialam.
Sorry. Because people is change.
Nakita kong umalis na si eunice dahil sa inis. Akmang lalapitan ko sana si rhianna nang nakita kong abala sa kanya si stephen. Nakita nyang nakatingin ako sa kanya na nalulungkot. Totoo naman e, nalulungkot ako kapag nakikita kong magkasama sila ni stephen. Tinalikuran ko na sya at lumisan na sa lugar na iyon.
Andito lang ako lagi sa tabi mo rhianna.
Agad akong pumunta ng room at umupo. Kinuha ko ang earphones ko at inilagay sa tainga ko. Ako lang mag-isa sa room kaya tulala ako. Ng bigla kong pinindot ang button sa earphones ko, bigla namang dumating sila stephen, rhianna, ann at ang mga kaibigan nya.
Ngiti
by Ronnie LiangMinamasdan kita ng hindi mo alam, pinapangarap kong ikaw ay akin
Tumitig ako sa mga mata ni rhianna, nakita kong nabigla sya doon. Habang nakikinig ako sa music ko, iniwas nya ang tingin nya. Umupo sya sa harap ng upuan ko at ganoon din si stephen. Nakatutok lang ang paningin ko kay rhianna.
Magiging akin ka 'rin. Rhianna.
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit
Bigla nalang ngumiti si rhianna habang nakikipag-usap kay stephen. Ewan ko pero nung nakita kong nakangiti sya, bigla nalang lalong kumalabog ang puso ko.
My rhianna. Mas lalo mo akong pinapakilig.
Sa susunod, ako na magpapangiti sa iyo.'Wag ka lang titingin sa 'kin at baka matunaw ang puso kong sabik
Bigla nalang sya tumingin sa mga mata ko. Aaminin kong napangiti din ako kasi nakatingin sya sa akin habang ngumingiti. Hindi ko alam pero mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling at sa twing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil para lang sa iyo ang awit ng aking puso sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin
Bigla nalang sya tumayo at lumapit sa harapan ko. Hindi ko alam ang gagawin nya pero agad na akong tumayo at yinakap sya.
Wala akong pake kung sino ang makakita sa akin. Basta maramdaman nya lang na mahal ko na talaga sya.
Bigla nalang akong bumitaw at tumitig sa mga mata nya. Pinindot ko na ang button ng earphones ko dahilan para mamatay ang tugtog nito. Tinanggal ko ang earphones sa tainga ko at nagsalita.
Ngunit nang magsasalita na sana ako ay bigla nalang ako tumilapon sa gilid.
Bigla akong sinuntok ni stephen.
Tatayo na sana ako ngunit nadagdagan pa ito kaya't mas lalo akong nahilo.
"WHAT THE HECK ARE YOU DOING!? BUSET KA! AT SA HARAPAN KO PA! BAKA NAKAKALIMUTAN MONG GIRLFRIEND KO 'YAN!" Nanggigil na sigaw sa akin ni stephen.
Nakita kong inaawat sya ni rhianna kaya't agad akong tumayo.
"Sorry brad, pero mahal ko na rin si rhianna." Maangas na sabi ko kay stephen.
"TARANTADO KA! " Bigla nya ulit akong sinuntok.
"ANG KAPAL NG MUKHA MONG HAYOP KA! WALA KANG KARAPATAN AGAWIN ANG GIRLFRIEND KO!" Naiinis na sigaw sa akin ni stephen.
"TAMA NA! ANO BA! PLEASE!" naiiyak na sabi sa amin ni rhianna.
Lumapit sa akin si rhianna at tinulungan akong tumayo.
"Tigilan mo na kami xavier, kasi kahit na hindi pa kami official na magnobyo at magnobya, alam na ng iba na kami na. At isa pa, mahal ko si stephen. Kaya, please. Layuan mo na kami." Malungkot na sabi sa akin ni rhianna.
Parang bigla nalang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi sa akin ni rhianna. Bigla nya akong tinalikuran at pumunta sa gawi ni stephen. Agad na akong umupo at tumingin sa kawalan. Bigla nalang dumating si ma'am , at umupo na ang dalawa.
Nang-uwian na ay agad na lumabas ang dalawa. Kaya't agad ko itong sinundan. Ng nakita kong nakasakay na sa kotse si rhianna, ay agad akong pumasok. Ni lock ko agad iyon at humarap sa kanya. Sakto naman ang sakay ni stephen sa kotse nya.
Hinawakan ko ang kamay ni rhianna at nagsalita.
"Rhianna, please. 'wag mo syang mahalin. Ako ang mahalin mo. Please." Malungkot na sabi ko sa kanya.
Hinatak nya ang kamay nya at nagsalita.
"Xavier ano ba! Get out in my car! Kung ayaw mo tatawagin ko ang boyfriend ko!" Naiinis nyang sigaw.
Bigla nalang may kumatok sa bintana ng kotse nya. Nilingon ko iyon. Agad kong nakita si stephen na galit na galit na nakatitig sa akin. Ibinaling ko ang paningin kay rhianna.
"Maghihintay ako rhianna. Hinding-hindi ako titigil." Sabi ko at lumabas na ng kotse nya.
Akmang susuntukin na sana ako ni stephen pero umilag ako.
"Isang lapit mo pa sa kanya, MAYAYARI KA NA." nanggigil na sabi sa akin ni stephen.
Nginisian ko sya at tinalikuran. Agad akong pumasok sa kotse ko at iniwan na sila. Pinindot ko ang music player ko sa kotse at narinig ko na naman, ang musikang nagpapatibok sa puso ko.
Ngiti: by Ronnie Liang
Minamasdan kita ng hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi at matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa 'kin at baka matunaw ang puso kong sabikSa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa twing ikaw ay gagalaw ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa iyo ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin ang lihim kong pagtinginBiglang nagflash back ang mga nangyari kanina. Naalala ko na naman ang mukha ni rhianna simula ng tumingin sya sa akin habang ngumingiti. Hanggang sa lumapit sya sa akin at yumakap ako. Sobrang saya ko na ng naramdaman kong nabigla sya sa ginawa ko. Nakita kong namumula sya at parang kinikilig. Hindi ako assuming pero pakiramdam ko, gusto na nya din ako.
YOU ARE READING
I'm Here Waiting To You (On Going)
Подростковая литератураFeels like a walking in the rain i find myself try to wash away the PAIN.