Chapter 1

1.3K 34 10
                                    


"Dalian mo, Shan!" Sigaw ko sa kanya. Ang arte arte gumalaw!



"Sandali naman, ano ba ang minamadali mo?"


"Duh, magsisimula na 'yong laro! Sabihin mo kung ayaw mong sumama dahil aalis na ako." Iritabli kong kinuha ang bag ko sa desk at lumabas na ng AVR room.





"Huy gaga, hintayin mo ako!"



Nakalayo na ako sa kanya at ngayon nag kukumahog na siyang sumunod sa akin. Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.



"Etyl, hi daw sabi ni Arlo!" Dinig kong sigaw ni Rush nang dumaan ako sa Cr ng mga lalaki. Shit ang bantot!




"Hi rin, Arlo, sabi ni Etyl. Sabihin mo!" Sagot ko sa kanya at tumawa.




"Crush ka raw niya!" Sigaw niya uli.



"Sabihin mo, crush ko rin siya!" Sagot ko naman at bahagyang natawa. "Si Shan, di niyo crush?" Huminto ako sa harap nila Rush.



"Gaga! Tara na. Akala ko ba nagmamadali ka?" Sabay hatak ni Shan sa akin palayo roon sa grupo nila Rush.


"Minsan matuto kang humarot. Hindi 'yong puro ikaw na lang ang hinaharot."



Boys here super maharot! Char. Pero totoo maharot sila. Parang hindi nakakita ng babae. Kung makaharot akala mo walang mga jowa, e. Baka nga wala? Aba Malay ko sa buhay nila.



Nakarating kami sa Gymnasium ng South Institute at agad naghanap ng pwedeng upuan. Nandito rin pala sila Dhalal nanunuod hindi man lang nag abala na sabihan kami ni Shan. Mga taksil!


Umupo ako sa tabi ni Jeralyn na sumisipsip ng milktea. Hindi naman siya nanunuod pero nakipagsiksikan pa rito. Nagsisimula na pala ang basket pero kakasimula pa lang naman kaya 'di ko na inaway si Shan.

ABM vs. Humss ang labanan. Intramural kasi kaya may ganitong pakulo ang paaralan. Grade eleven ABM student kami kaya ganito na lang kami kung maka support. Maliban sa pogi ang mga player namin ay naghahangad rin kami ng panalo.



"Hi ganda!" Nanliliit ang mga mata kong tinitigan si Arthur nang kalabitin niya ako.

"Don't you ever touched me again. Ayoko sa'yo. Kung mangharot ka, make sure wala kang sabit!" Kapal ng lalaki na 'to. Nasa tabi pa niya ang girlfriend niya.



Napailing na lang siya nang tuksuhin siya ng mga ka klase niya. Wala sa bokabularyo ko ang maging kabit.

Napatingin ako sa score board at nakitang dikit na ang labanan. Kunti na lang mananalo na kami. Kaso baka mahabol pa ng mga humss player ang laro. Ang tatangkad pa din naman nila.

"Go Number twelve!" Joanna Cheered. Napatingin ako sa court at agad hinanap ang number twelve na sinasabi niya. Ligsi dalawa ang number twelve! Humss at ABM mayroon.

"Sinong number twelve? Dalawa number twelve!"

"Humss, Girl! Si Santosidad. Ang guwapo!" Binalik ko ang mata sa player. Gwapo nga siya. Pero mas guwapo ang twelve sa ABM.

"Go Balesteros!" Sigaw ko. 'Di ako papatalo. Nakita kong napatingin sa akin 'yang si Balesteros pero pinutol din agad ang tingin. Hala, snobber.


"Kilala mo 'yan?" Nasa akin na ang mga tingin nila.

"Hindi, feel ko lang e cheer. Pogi, e." Sagot ko at ngumiti sa kanila.



Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now