Chapter 7

521 28 7
                                    

"Umiyak ka ba?" tanong niya muli niya sa mababang boses.

Tiningnan ko siya ng seryoso ang mukha at piniling hindi na lang sumagot sa tanong niya. Wala naman siyang magagawa at siguro ay nagtataka lang siya sa namumula kong mata... wala siyang pakialam talaga.

Nagkatitigan lang kami ng ilang segundo. Walang nangahas na magsalita sa aming dalawa. Naka-sweat pants lang siya at naka-plain black sweater. Siguro ay invited din siya sa party ni Patrick kaya siya narito ngayon.

Tumabi na ako at pinagkasya na lang ang sarili sa espasyo sa pagitan naming dalawa upang ako ay makahakbang na at makauwi na lamang. Hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa kanya dahil mukhang mananatili pa naman siya roon.

"Saan ka pupunta?" he asked. I'm a bit shocked. Naririnig ko ang mga yapak niyang sumusunod sa akin mula sa likuran.

"Uwi na'ko. Pumasok ka na roon."

Walang gana kong sagot sa kanya. Patuloy lang sa paglalakad. Hindi siya sumagot subalit sumunod na naman siya sa akin nang sumakay ako sa elevator. Tahimik lang siya sa gilid ko at gano'n din ako. Mabuti naman at ramdam niyang ayaw kong makipag-usap.

Kaming dalawa lang ang sakay ng elevator at na-amoy ko ang mabango niyang pabango. Napaka-manly talaga ng lalaking ito. Pati perfume gwapo. Sayang lang at may girlfriend siya. Mas lalong sayang dahil mukhang talampakan ang mukha ng girlfriend niya.

"You sure you're okay?" Nang makarating kami sa parking lot. Sumunod siya sa'kin na dumiretso sa aking sasakyan at hindi sa kung nasaan naka-park ang sasakyan niya.

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko sa purse na dala at binuksan iyon. Ayaw kong maging bastos kaya hinarap ko muna siya at pinagkatitigan na naman ang gwapo niyang mukha bago sagutin.


"Hindi ko sinabing okay ako. Pero okay na rin na iyon ang iniisip mo."

"Mukhang hindi ka nga okay." Bumuntong hininga siya. "Wanna go with me?" dagdag niya. Hindi siya nakangiti at hindi rin naman siya mukhang seryoso.

"At saan naman iyan, aber?" Sabay taas ko ng kilay sa kanya. "Paano ko naman masisigurado na ligtas ako sa pupuntahin natin kung sakaling sasama ako sa'yo?"

Sinara ko muli ang pinto ng driver seat dahil mukhang hindi talaga ako papalampasin ng isang ito.

"Sapat na dahilan na siguro iyong kasama mo ako para maging ligtas ka."

"Ha?"

"Sabi ko, you will be safe with me..." hala siya.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Ang bilis naman ako mapapayag nito. Naku, kung hindi lang dahil sa umbok sa kanyang suot na sweat pants ay hindi talaga ako sasama sa kanya! Convincing naman kasi ang umbok.

"Sa akin ka na lang sumakay," aniya pa.

"Ha? Ang bilis naman masyado niyan, Sir. Tsaka I have goals in life pa. Hindi ako basta sasakay nalang sa'yo."

Malakas siyang tumawa sa sinabi ko. Bakit kahit pati sa pagtawa niya ang gwapo niya pa rin? Masyado namang unfair ang buhay. Pinagpala talaga siya ng sobra. Mula sa mukha pati sa umbok sa pagitan ng kanyang hita.

"Bakit nabibingi ka naman ata? Tsaka ano ba ang pinagsasabi mo diyan? Sa kotse ko tayo sumakay. Babalikan na lang natin ang kotse mo rito mamaya pagbalik natin."

Gano'n pala 'yon?

"Sayang naman," bulong ko sa sarili.

"Ano?"

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now