Chapter 16

455 24 1
                                    

"Bakit mo naman siya sinampal?" natatawang tanong ni Fatima sa akin.

Talagang hindi sila maka-get-over doon, ah?

"Sinong sinampal ni Etyl?" Kunot noong tanong ni Cleave habang naka-akbay sa sandalan ng upuan ni Faith.

"Wala. Aksidente lang, natapi ko lang sa mukha si ano... uh..." hindi ko maibigkas ang pangalan ng sperm na 'yon dahil matimtim na nakatingin sa akin si JB.

Magkaharap kami ngayon. Nasa gilid ako ni Fatima nasa kabilang gilid naman niya si Dawn. Sa harap namin ay si Faith at JB napagitnaan nila Si Cleaver pareho.

"Sino?"

"Si Yrikka. Tinapi ni Etyl mukha niya kaya natumba sa daan," pigil ang tawang tugon ni Faith.

Dumating na ang order namin at nagsikain na kami. It's so awkward kasi ang ingay nilang apat samantalang kami ni JB ay tahimik lang at walang nagsasalita. Pagkatapos ng laro nila ay dumiretso na kami rito sa restaurant.

"Muling ibalik..." pagkanta ni Dawn na parang tanga.

"Ang alin?" tanong ni JB sabay higop ng coffee niya.

"Ang sakit?" nakataas ang kilay kong sinabi.

They laughed at my question while JB and I continue our own business and choose to ignore them. Habang kumakain, hindi ko mapigilang mapatingin sa gawi niya. He looks okay now. Siguro relieved na siya sa kung ano man ang nagpapa-stress sa kanya before.

"What?" tanong niya nang maramdaman ang mga tingin ko.

I just shook my head and continue eating.

Hindi pa ako tapos kumain nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag ko at nakitang tumatawag si Nay Pilla.

"Excuse me," I excuse myself before answering the call. "Hello? Nay, bakit ka ho napatawa-"

"Anak, umuwi ka na. Ang Mommy mo... nasa hospital kami. Inatake siya," umiiyak na sabi ni Nay Pilla.

Tila huminto ang paligid sa paggalaw. Parang nalubayan ako ng init sa katawan at namutla na lang bigla sa narinig na balita galing kay Nay Pilla.

"P-pupunta ako riyan, Nay," sambit ko bago patayin ang tawag.

Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa loob ng bag ang cellphone at tumayo na para umalis.

"Guys, mauna na ako sa inyo." Iyon lang at tinalikuran ko na sila para mag martsa palabas ng restaurant.

Nasapo ko nalang ang noo nang maalalang wala pala akong dala na sasakyan ngayon! Shit, naman! Tumakbo na ako sa kabilang kalsada para magbantay ng Jeep na pwedeng sakyan.

Hindi nagtagal ang paghihintay ko nang may huminto sa aking tapat at agad akong sumakay. Nag bayad ako sa driver at sinabi kung saan ako bababa.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. I think of Mommy. Anong nangyari at bakit inatake siya? Paanong ganoon e maayos naman siya at masigla.

Pinagsiklop ko na lang aking mga kamay at nagdasal na lamang. Bumaba na ang mga magkakaibigang pasahero at ngayon ay ako na lamang ang nasa loob at ang konduktor na lalaki.

The old man went in front of me. He is looking at me intently. His eyes surveying my body and then he smiled at me. I don't feel comfortable anymore, knowing that I am all alone with this creepy old man.

"Miss beautiful, libre ka ba?" he asked me and he winked. What the fuck is he doing?

I choose to ignore him, but he did not stop interrogating me.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now