Chapter 27

608 25 14
                                    

Matapos maligo at mag ayos humiga ako sa tabi ng anak ko. I am watching him sleeping peacefully. His angelic face screams happiness and hope. I touched his face as I kissed his temple.

Up until now, everything seems so surreal. Tila lahat ng ito ay panaginip lamang. Four years ago, I leave his father broken and with a crying heart. I never thought all of those will put me here. Hindi ko kailanman inisip na makakayanan ko at aabot ako sa puntong ganito-standing strong and unbeatable with my son beside me.

"M-mom, I'm pregnant." Umiiyak kong balita sa Ina nang lumabas ako sa kwarto ko.

I expected her to nag me, shout me, hurt me, at mas lalong nag eexpect akong ipapamukha niya sa akin kung gaano ako kagaga at katanga para pakasalan ang isang Balesteros.

Inaasahan ko ang isang sampal mula sa kanya ngunit 'di iyon nangyari. Instead, she hugged me and tapped my back. Mas lalo akong naiyak sa balikat niya.

"Shhh, don't cry. Baka mapano ang baby mo."

Pinaupo niya ako sa sofa at doon ako kinausap.

"Mommy ano gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin."

"Rest and eat healthy foods para malusog ang baby mo, okay? Stop stressing yourself.."

"Nangako po ako kay JB na hindi ko siya guguluhin, Mommy."

"Anong plano mo? Sasabihin mo ba sa ama niyan o ilalayo?"

"Ayaw ko na pong manatili sa ganoong relasyon. Ayaw ko na." Umiling iling ako habang ang mga luha ko ay patuloy pa rin sa pag agos.

"I'll support you in everything, Etyl Ann."

Tama nga sila, no matter how blurred your relationship with your mother, no matter how evil daughter you are, how imperfect a child you will be, you can't deny the fact that when the time comes and everybody disappoints you, your only destination will be the arms of your mom.

We are at the mall when I saw JB's Mom. Patungo sila rito sa kung nasaan kami ni Charelle. Medyo malaki na ang tyan ko kaya natakot akong baka usisain ako ng Mama ni JB. Minabuti ko nang tumayo at nilihis ang daan sa daang patungo ang Ina ni JB. I don't know if she sees me dahil mabilis na akong lumabas sa back door.

Potcha! Muntik na ako d'on ah? Dumadagundong ang kaba ko sa dibdib nang maupo ako sa isang bench. Luminga-linga pa si Charelle nang makalabas at inirapan ako nang makita ako rito. Hawak ang dibdib ko at ang bilis pa rin ng kaba.

"Bakit mo ako iniwan? Gaga ka baka ma paano ang baby mo, tumakbo ka pa talaga!" Inis niyang singhal.

"Nandoon ang Mommy niya, Cha! Ano gagawin ko, kakausapin ko at makikingiti hanggang sa maikwento kong dinadala ko ang apo niya sa sinapupunan ko? Isip, Cha, isip!"

Sinukbit ko na ang bag ko at tumayo na.

"Uuwi ka na?"

"Department store lang, samahan mo ako." Kinuha ko ang braso niya at inakay siya maglakad.

I was checking the label of some products when someone bumped me. Tangina, masakit 'yon ah! Iritado kong binalingan ang babaeng nakabangga sa akin at deritso naman sa deriksyon ko ay nakita ko si JB at si Yrikka. They were happily picking and choosing the baby's dress.

Malapad ang ngiti na nakaukit sa mukha ni Yrikka while JB is just nodding every time Yrikka needs his approval or his opinion regarding those baby's dresses.

Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko sa mata. Ang saya saya nilang mamili ng damit ng magiging baby nila, while I'm here.. witnessing how happy they are.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now