Chapter 9

530 25 1
                                    

"Bakit ka nag Accountancy? 'Di ba mahirap 'yon?" tanong ko kay JB.


Nandito kami ngayon sa lugar na una naming pinuntahan. Tinawag niya itong Paraiso de Parausan. It is a kind of paradise place. A place where you can let your emotions out. You can be who you want. You do not need to be someone that is society wants you to be. Kaya nga sabi niya parausan ito dahil dito, gumagaan ang pakiramdam niya kapag may problema siya.


"Ikaw? Bakit ka nag Architecture? Mahirap din 'yon." Napabitin sa ere ang kutsara ko dahil sa tanong niya.


"Dahil ito ang gusto ko," I simply answered and swallowed my food.


"Same thing. Dahil gusto ko." Ininom niya ang coke in can at binalingan akong muli. "It's not about the struggles, it is the determination you have to fulfill your goals. Patience also," he added and put the empty bottle down the table.


Tumango-tango ako sa sinagot niya. He has a point. 


"Kung iisipin mo lang kasi na mahirap, lalo ka lang mahihirapan 'no? Like, if you are having difficulties dealing with your subjects, think that you can do it. Motivate yourself because no one will do that for you," mapait kong mungkahi ang pang huli dahil sa may naalala ako sa nakaraan.

"I can do that for you," he said while looking into my eyes seriously.

"Huh?"

"I can be your cheerleader." Natawa ako sa sinabi niya.

"Wala naman akong sasalihan na basketball. Baka ikaw meron? Cheer kita!"

"Minsan okay ka kausap, kadalasan para kang ewan. O, saging. Gutom lang 'yan." Naiiling niyang binigay sa akin ang saging na binili niya kanina. Sabi ko kasi gusto kong kumain kaya ayan binilhan ako.

"Busog pa pala ako. Sa iyo na 'yan. Bigay mo kay Dawn mukhang maikli saging niya, e," I  said while retouching my makeup on my face. 


"What the hell?" he exclaimed in disbelief.

"Ano?" Binaba ko ang salamin at binalingan siya. "Bigay mo nga 'yan sa kanya. Baka maikling saging lang na kain niya, e. O, baka wala siyang nakaing saging today."

Niligpit niya nga ang pinagkainan namin at tinapon sa malapit ma basurahan. I noticed walang ibang tao ang narito kundi kami lang.

"Huy, bakit walang ibang tao rito? It's a nice place..." tanong ko sa kanya pero nasa daan lang ang tingin niya. Palabas na kami ngayon sa lugar na ito dahil may pareho pa kaming may pasok.


"Private place ito kaya walang ibang tao ang dumadayo rito."


"Hala ka! E bakit tayo pumunta rito? Huy! ayusin mo buhay mo, pag ako nakasuhan ng trespassing susumbong kita sa Daddy ko!" sigaw ko sa kanya.


"Pwede bang 'wag kang sumigaw? Ang ingay mo. Ganyan ba kayo? Si Shan nakasama ko na siya pero hindi siya ganyan ka ingay. 'Yong sigaw lang nang sigaw. Ikaw minu-minuto sumisigaw." Napanguso ako sa sinabi niya. Tsk, suplado!


E 'di doon ka kay Shan. Akala mo naman siya tahimik, e.


"Bakit ka nakanguso diyan?" TBaling niya nang maramdaman ang pananahimik ko.


"Sabi mo kasi ang ingay ko, e."


Hindi na siya nag-abala pang sumagot tumango lang siya at binigay ang buong atensyon sa pag d-drive. Buong oras ng biyahe ay nasa labas lang ng bintana ang tingin ko. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Naramdaman ko na lang may mahinang tumatapi ng pisngi ko.


Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now