Chapter 26

585 22 0
                                    

"Mom," bungad ko sa tawag ng Ina. Nabalitaan na naman na inatake ang apo kaya nagkukumahog na rin sa pangangamusta sa text. Kanina pa siya tumatawag pero hindi ko masagot dahil sa inaasikaso ang papeles ni Adam. Pinaulanan niya ako ng mensahe nang hindi ko sagutin at ngayon lang din nasagot ang tawag niya.

Nagkabalikan na rin sila ni Daddy at doon na sila tumira sa Beijing. Mag-aapat na taon na sila roon, paminsan-minsan lang kung umuwi rito sa Pilipinas para e-check ako at ang negosyo. I am only living in our house. Gusto man nilang doon na rin kami manirahan ay umayaw ako. I am okay here... with my son.

"Anak naman bakit anong ginawa ng apo ko at inatake 'yan?! Siguro ay pinabayaan mo ang apo ko!" Utomatiko akong umirap sa hangin dahil sa pambibintang niya.

"Hindi ko kailanman pinabayaan si Adam, Mommy, alam mo 'yan. Okay na ang apo niyo kaya kumalma ka na sana riyan. Tatawag ako kapag nasa bahay na kami. I need to tell you something also."

"Ano ba 'yan? Anong importanteng bagay? Tungkol saan?"

"Mommy, sabi ko tatawag ako uli sa bahay. Bahala ka riyan ibaba ko na ang cellphone ko."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay ko na ang cellphone. Nilagay ko iyon sa bulsa ko at binuksan ang pinto ng hospital room ng aking anak. Naabutan ko siyang tumatawa kaharap ang ama niya.

He looked at me nang mamataan akong nakatayo at nakatunghay sa kanilang ginagawa. Tumingin din sa gawi ko si JB at agad kong nilihis ang mga mata. Nakangiti akong lumapit sa anak at humalik sa noo nito.

"We are going home, Adam." I touched his face gently.

But instead of following me, he pointed out JB. Nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Is Daddy will going home with us?" anito na ang mga tingin ay hindi inaalis sa ama. Nagsalin-salin ang tingin ko sa dalawa. I am surprised. Seems like JB too. Nakatulala siyang nakatitig sa aking anak. May bahid ng luha ang mga mata.

"What Adam? What did you say?" Baka namali lang ako ng dinig galing sa kanya.

I never told him, his parents were separated for years... ayaw kong kamuhian niya ang ama nito. Hindi ko sinabi ang katotohanang niloko ako ng ama niya. Hindi ko gugustuhing lalaki siyang may galit sa ama. Sinabi ko lang na nasa malayo nagtatrabaho ng ama niya at uuwi lang kapag pinayagan ng amo nito. May mga litrato siyang nakikita sa akin at tinatanong kung sino iyon, hindi ako kailaman nagsinungaling sa anak ko, unless I need to. The more I lie to him, the more he ask questions. That's how smart he is. I said that's his Papa. Until hiningi niya iyon at nakikita ko minsan na nilalagay niya iyon sa ilalim ng unan niya bago matulog.

"He's my Daddy, Mommy, right? He has the same face as my Daddy."

"Uh... Adam... ano kasi." Kinagat ko ang ilalim ng labi at hindi na alam kung itutuloy ko ba ang sasabihin o 'wag na lang.

"H-have you seen your father, kid?" JB asked him and he immediately nodded. "Really? At saan naman?" dagdag niyang tanong at sumaglit ng tingin sa akin.

"I have your pictures po."

Umawang ang mga labi ni JB at tumayo. Hindi niya alam ang gagawin at pabalikbalik lang siyang naglalakad sa harapan namin ni Adam. Gusto ko sanang pagsabihan siyang umupo dahil nahihilo pa rin ako sa byahe namin kanina. Nakapag text na rin ako sa mga kaibigang okay na si Adam, ang sabi ay bibisita na lamang sila sa bahay once na makauwi kami.

Halatang nagsasanib ang nararamdaman niya ngayong alam niyang nagkaanak kami at iyon ay si Adam na nasa harapan niya. Tumalikod siya, nilagay niya ang mga kamay sa likod ng ulo at nang humarap uli ay may luha nang lumabas sa mga mata niya. Alam ko kung gaano siya kasaya. Magulang rin ako. Kahit ako ay hindi maipaliwanang ang sayang nararamdaman noong lumabas na si Adam sa sinapupunan ko.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now