In life, we experienced dreaming to be in someone's arms. We imagined being extremely happy because of someone. We think of someone and unconsciously, it made us smile.
Naranasan at naramdaman ko ang mga ito. Pinagpala ako dahil kung noon ini-imagine ko lang ang mga ganong bagay sa isang lalaki, masasabi ko ngayon na malaya akong gawin iyon nang paulit-ulit.
Ang swerte sa buhay hindi napapanahon 'yan. Nasa diskarte mo 'yan. Paano mo makakamtan ang mga gusto mong maabot kung titihaya ka na lang diyan buong magdamag at hayaan ang araw na lumubog nang wala ka man lang nagawa para sa pangarap mo?
Do something about it. Work for it. Make an extra effort to make it easier for you so you could be able to claim what you wished for!
Some said, "Ang tadhana ng isang tao ay naka-ukit sa palad at hindi mo na mababago ito". While others deprived that statement, "Nakaukit lang diyan ang tadhana mo pero mababago mo pa 'yan dahil ikaw mismo ang gumagawa ng tadhana mo, hindi ang kung sinu-sino."
"Anak, Sabi ni Shan may pupuntahan kayo mamayang gabi?"
Napalingon ako kay Mommy na kakapasok lang sa kwarto ko. Linggo ngayon at walang pasok. Pero bukas meron na dahil may debate kaming sasalihan para sa program ng Amstar.
"Huh? She told you? Wala siyang sinabi sa akin na may lakad kami, Mommy," nagugulahan at nagtataka kong tanong sa kanya.
"Tumawag siya sa telepono kanina. Hindi ka raw sumasagot. Siguro ay tulog ka pa no'ng tumawag siya."
"Saan daw ba kami pupunta, Mommy?"
Hinalukay ko ang cellphone at nakita nga ang mga text niya at missed calls.
"Hindi niya sinabi pero kasama naman daw mga kaibigan niyo. Anyway, I like that new friend of yours. What is her name again? Karelle?"
"Charelle, Mommy. I like her too. Pareho kaming inosente," ngising sabi ko sa Ina na pilit na ngiti lang ang sinagot sa akin.
"Pero... uuwi si Seth mamaya, Mommy, 'di ba? Baka kasama si Daddy!" Kinurot kurot ko pa ang tagiliran niya at tumawa.
"Ikaw na bata ka! Nakikiliti ako!" Natatawang saad niya kaya tumigil ako. "Umuwi ka nang maaga para maabotan ka ng Daddy mo rito, Etyl Ann. Ako ang mananagot sa kanya kapag gabi na at wala ka pa, okay?"
"Opo. Layas na, Mommy. Liligo na ako!"
Umahon na ako sa kama at dumiretso na sa pinto para pagbuksan ang virgin kong Ina. Sisiraduhan ko na sana ang pinto ng lumingon pa uli siya sa huling beses.
"Gusto kong makilala ng personal iyang boyfriend mo. After ng exam niyo. Bago bumalik ang Ama mo sa Beijing dapat nadala mo na siya rito," seryosong aniya at iniwan ako.
That night, ay hindi ako umuwi sa bahay. Umaga na akong naka-uwi at hinatid lang ako ni JB sa labas ng gate at umalis na rin dahil may kailangan pa raw siyang puntahan utos ng Daddy niya.
I told Mommy everything, including him. She didn't have a say in him. To be honest she stays cool and happy for me. Hindi ko lang rin naman inaasahan na magagalit siya kung sasabihin kong may boyfriend na ako at iyon 'yong kinukuwento ko sa kanya noon pa man.
Bumalik ako sa kama at kinuha ang cellphone para buksan ang mga hindi nabasang mensahe mula sa mga kaibigan.
Shan:
YOU ARE READING
Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)
RomanceEtyl Ann Guanzon is an Architecture student from Amstar University, who is known by having a bold mouth. Walang preno at bastos. Everyone likes her, everyone's dream is to have her, touch her, and to claim her. Everyone-not until JB Balesteros appea...