Chapter 23

509 19 0
                                    

"Ang sakit-sakit... tama na 'wag mo na siyang saktan pa."

Binaon ko ang mukha sa unan dahil 'di ko na mapigilan ang matawa sa pinagsasabi ni Charelle. Actually kanina pa siya umiiyak dahil sa movie na pinapanuod namin.

Pangatlong movie na itong pinanunuod namin at tanging siya lang ang umiiyak na akala mo ay broken hearted... ah, e, broken nga pa naman, nag p-pretend lang na hindi.

"Oh, tissue!" Inabotan siya ni Gracelle ng tissue at deritsong pinahid niya naman sa kanyang mga luhang umaagos na akala mo ay ilog.

"Isa pa, please... hik." Amputa, malala na 'tong babaeng 'to!

Nang inabotan siyang muli ni Gracelle ay nilagay niya iyon sa kanyang ilong at suminghot singhot. Nakakadiri namang CEO 'to!

"You okay?" I heard Shan beside me asking.

"Of course. Hindi na bago 'to sa akin." Ngumiti ako sa kanya. She tapped my back and put her chin on my shoulder. She's now hugging me from behind.

"Hindi ka ba nagagalit sa kanya? Kasal na kayo... I mean, dapat ikaw ang priority niya..."

I saw Joanna glanced at us so I smiled at her before responding to Shan.

"Sa sarili ko nagagalit ako kasi sobra ko siyang mahal para intindihin siya at ang mga ginagawa niya... takot akong ma-iwan niya kaya hindi ko magawang magreklamo man lang."

"You're selfless bitch."

"Slight lang," sagot ko. Tumawa naman siya at bahagyang kinagat ang balikat ko kaya paimpit akong humiyaw sa sakit.

"Masakit, Shan!" I glared at her but she just shrugged her shoulders.

"Sanay ka nang masaktan, remember?"

Umirap na lang ako at binalik ang buong atensyon sa panunuod na movie.

Maaga na kaming natulog kaya naman tinanghali na rin kami nang gising. Nauna akong magising sa kanila. Bumaba ako ng kusina para magluto pero naabutan ko si JB na naghahalo ng manok at kung ano pa ang mga ingredients sa pagmamarinate.

I walked slowly and snaked my arms around his waist. Nagulat pa siya pero nang nilingon ako ay ngumiti siya nang malapad.

"Goodmorning, My Love!" he greeted me.

"Mornin'" maikli kong sagot sa kanya.

"Your friends are still sleeping?"

I nodded though he can't see me. Hindi pa rin ako humiwalay sa pagkakayakap sa kanya kahit pumunta siya sa gripo at naghugas ng kamay.

Naiiling siyang tumawa at kinuha ang mga kamay kong nakapulupot sa kanyang bewang at dinala ako sa sala.

Nakandong ako paharap sa kanya at sinubsob ang ulo sa matigas niyang dibdib. Para akong isang bata na nangungulila sa yakap ng magulang.

"I'm sorry," he whispered softly.

"I understand."

He played the tip of my hair. "Marami na akong pagkukulang sa iyo bilang asawa mo... I promise babawi ako sa'yo."

Umahon ako sa dibdib niya at pinagkatitigan ang mga chinitong mata niya.

"I want to hold your hand in public, Jave. I always dream to have a date with you in any restaurant. Gusto kong ipagladakan sa labas ng condo nating ito na akin ka... na asawa kita... pero, naiintindihan kong hindi pa ngayon."

"Salamat sa palaging pag-intindi sa akin. Sa hindi mo pag iwan sa akin despite these.."

"I will always choose you, understand you, and stay with you."

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now