"-you may now kiss the bride," ani ni Father.
Maiyak-iyak na itinaas ni Bryce ang belo sa ulo ni Charelle. Katulad ni Bryce ay malapad ang ngiti ni Charelle. I never saw her this happy. They encountered so many trials before they reach this point.
Saksi ako sa mga pinagdaanan nilang dalawa. Siguro nga sa mundo ng pagmamahalan ay walang perpekto. Umaabot lahat sa puntong magkakasakitan kayo hanggang sa kayo ay magkahiwalay. It may be sounds cliché but still do believe in this old qoute, "love is sweeter than second time around." Indeed.
"Stoy, luha mo girl! Makaiyak ka riyan parang ikaw ang ikinasal, ah?" tukso ni Shan sa akin sabay abot ng tissue.
"Loko, masaya lang ako kay Cha. Who would have the thought na sa simbahan pa rin ang tuloy nila hindi ba?" Tumawa ako.
"Ganyan talaga. Siguro nga pati kayo ay kahit nangaling na sa simbahan ay doon pa rin tutungo."
Ngumiwi ako sa sinabi ng kaibigan.
After knowing the truth aaminin kong nagsisisi ako. I doubted his love for me. He is not a perfect husband but I know deep inside he is trying his best to control his time management. He is not jus a husband living in this world, nakakalimutan kong anak at kapatid din pala siya.
However, If ever na mangyari uli iyon ay iyon pa rin ang gagawin ko.. that's the only thing I know that time at iyon pa rin ang alam kong paraan kung paano takasan ang sakit hanggang sa ngayon.
The best thing to cure your broken heart is to give yourself time. Time heals nga sabi ng iba.
"Bakit dito ka naupo?" tanong ni Claire na ikinataas ng kilay ko.
"Bakit sa'yo ba itong table at upuan?"
"I mean bakit hindi ka r'on sa mag-ama mo umupo?"
Binalingan ko si Adam at JB na nagtatawanan habang pinapakain ang anak. Napangiti ako nang ngumuso si Adam dahil pinahiram ng ama ang tungki ng ilong niya ng icing galing sa cake.
"Social distancing, Girls. May virus si JB."
Binalik ko ang atensyon sa pagkain ko.
"Talaga? Anong virus naman 'yan? Nakakahawa ba?" Pang uusisa pa ni Dhalal.
"Oo, nakakahawa. Basta tuwing malapit ako sa kanya feeling ko macoconfine ako sa hospital," sagot ko pa. Nagsikunotan naman ang mga noo nila.
"Tangina ka talaga! Bakit ka ma-coconfine agad?" asik ni Gracelle.
"Gaga ka ba? Ikaw kaya mapalapit muli sa asawa mo ng kay tagal na panahon na nang huli kayong nag jugjugan, tingin mo hindi ka mawawasak?!" mahinang singhal ko sa mga kaibigan. Muntik pa nilang maibuga ang mga kinakain nila.
"Hoy, ang bunganga mo!" Natatawang suway ni Lyka na nasa kabilang table kasama si Attorney Iland. Siguro ay narinig nila ang sinabi ko.
Nag peace sign lang ako at tumayo para tumungo sa CR ng hotel.
Paglabas ko ng cubicle, nagulat akong nasa harap ng malaking salamin ang Mama ni JB na nag reretouch ng mukha. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko sila kanina ng asawa niya ngunit dahil sa hiya ay minabuti kong iwasan na lamang. Ngunit sa tingin ko ngayon ay wala na akong takas pa.
Ngumiti siya sa akin sa salamin. Ginawaran ko rin siya ng isang ngiti-awkward na ngiti.
"Etyl Ann," aniya at hinarap ako.
"Mama.."
Akala ko magagalit siya sa pagtawag ko muli sa kanya no'n subalit mas naging malapad ang ngiti niya sa mukha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit na hindi ko inaasahang gagawin niya.
YOU ARE READING
Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)
RomantizmEtyl Ann Guanzon is an Architecture student from Amstar University, who is known by having a bold mouth. Walang preno at bastos. Everyone likes her, everyone's dream is to have her, touch her, and to claim her. Everyone-not until JB Balesteros appea...