Chapter 11

504 26 0
                                    

"Bakit wala si Charelle?" Tanong ko sa mga kaibigan nang hindi makita si Charelle.

Pagdating namin nangunot ang noo ko sa hindi pamilyar na bahay. Kanino 'to? Bakit kami nandito? Pero nang makapasok ay alam ko na agad na boylet ni Jeralyn 'to. Nakita ko kasing nagbeso-beso siya roon sa lalaking nakausap slash hinaharot niya sa party ni Shan, e.

"Nasa washroom siya. Miss mo talaga si Yaya?" Si Gracelle na may hawak nang alak sa kamay.

"Bakit tayo narito?"

"Wala kasi kaming pagkain sa bahay kaya nakikikain lang ako rito." Sagot naman ni Joanna na nakapwesto na sa mahabang lamesa at kaharap ang maraming putahe.

"Grabe ka talaga! Huy baka nakalimutan mong may iniingatan na reputasyon ang pamilya mo!" Bahagya kong hinila ang dulo ng buhok niya.

"May iniingatan din akong tiyan. Hindi pwedeng magutoman 'to." Walang hiya.

"Ako dahil.. narito ako na lagi lang nakatingin sa mga ulap at bituin.." pota, kumanta pa si Dhalal.

"Hi, Tyl!" Bati sa akin ni Charelle na kakarating lang galing washroom.

"Ikaw, bakit ka narito? Ang batang sa tiyan mo, baka kung ano ang mangyari sa'yo papatayin kami ni Engineer."

"Anak ng butiki! Ito pregnancy test." Binigay niya sa amin ang tatlong pregnancy test at naka lagay do'n isang linya lang. "Hindi ako buntis mga gaga kayo! Bakit ba kayo naniwala sa Angry Bird na 'yon?"

"Shit! Bakit ba 'di ka na lang binuntis ni Bryce?! Sayang naman!" Si Shan.

"Kung ako kay Bryce, Pinutok ko na sa loob mo 'yon!" Sagot ko naman! Umasim tuloy ang mukha niya.

"Potragis, Virgin ako!" Inis niyang sinabi. Kaya natawa kami lalo.

Palagi na siyang pinagt-tripan ni Bryce at iyon ang pinagtataka naming lahat. Snob kasi ang lalaking iyon. Pero ngayon makikita mo na lang siya na palaging nakangiti at tumatawa na rin dahil kay Charelle. Hindi mag tatagal may liligawan na mangyari sa kanila.


Nilibot ko ang paningin at nakita ang mga wineglass na nakahilera sa hindi kalayuan.

"Excuse me lang." I said before leaving them.

Napakaraming bisita ni Aris. Hindi ko alam ang score nila ng kaibigan ko pero hindi naman siya mag iimbita sa amin kung wala lang naman. Magkakaibigan din yata sila ni Shan dahil invited ito noong party.

I walk slowly but someone bounced me that made me groaned in pain. Shit lang, masakit ang pagkabangga niya, ah!

"Ouch!" Ungol ko.

"I'm sorry, Miss. Hindi kita nakita." Sabi nang babaeng nakabangga sa akin. She's familiar..

"Okay lang. Tingin ka na lang sa dinadaan mo sa susunod." I smiled to her before turning my back.

"Wait!" Napalingon ako sa kanya.

"Yes?" Taas kilay kong tanong.

"I'm Faith Therese by the way."

Inabot niya sa akin ang kamay niya.

"Hindi ko tinanong." Sagot ko. Nakita kong binaba niya ang kamay bago sumagot.

"Uh.. share ko lang." Nahihiyang aniya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Faith Therese? Hmm ang girlfriend ng gwapong Architecture student?"

"Hindi totoo na gwapo siya. Pero, totoong boyfriend ko siya." Nakangiti niyang sabi. "Ikaw ang girlfriend ni JB 'di ba?"

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now