Chapter 22

496 21 0
                                    

Hawak kamay kaming pumasok ni JB sa bahay. Malayo pa lang ay nakikita ko ang mga tingin ni Mommy na walang emosyon. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang ikasal kami.

"Mom." Humalik ako sa pisngi niya. Nanatili siyang nakatayo lang at hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Mom, Good day!" bati ni JB sa Ina ko.

"Hindi kita anak."

Umawang ang mga labi ko at nanlalaki ang mga mata sa pabalang na sinagot ni Mommy sa asawa ko.

What the hell?!

Tumingin ako sa gawi ni JB at tulad ko ay gulat din siya sa sinagot ng Ina ko. He swallowed hard and eventually forced a smile.

Bumuntong hininga na lamang ako at umiling. Sumunod kami sa sala kung nasaan si Mommy.

"I told you to go home alone," she said harshly, sabay taas ng kilay sa akin.

"Mommy, we need to talk that's why-"

"Yes." Putol niya sa sinabi ko. "Two of us need to talk kung saang Mental Hospital kita ipapasok!"

Ito na naman siya sa mga hinaing niyang baliw ako.

Ngumiwi ako sa hindi magandang biro niya.

"What a dark joke," bulong ko sa sarili.

She glanced at my ring finger and I saw her sighed heavily after that. Maybe this time maniniwala na nga siya sa akin.

She stood up. Pabalik-balik siyang naglalakad sa harap namin na problemadong-problemado ang hitsura. Nasa magkabilang gilid ng noo niya ang kamay at hinihilot iyon.

"Mom-"

"Nahihibang ka na ba?! Sinabi ko na sa'yo layuan mo siya! Anong ginawa mo?! Ano ba ang nangyayari sa'yo?!"

Galit na galit niyang sigaw sa akin nang hinarap ako. Tumayo na rin ako para pakalmahin siya. Natatakot akong baka atakihin na naman siya puso dahil sa akin.

"I raised you to be obedient. I raised you too well, Etyl Ann!"

"Mommy, humahon kayo. Ang puso mo."

"Ang puso ko nasa loob ng dibdib ko! Ang utak mo ba nasa bungo mo?!"

Naitikom ko ang bibig dahil sa paraan nang pagsagot niya sa akin. Mukha ngang may pinagmanahan itong bunganga ko.

"Wala kang balak sabihin sa akin?" Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa tanong niyang iyon.

"Ang ano po?" Kunot ang noo kong tanong pabalik.

"You're almost got raped! For Pete's sake."

Umawang ang mga labi ko. So, tama nga ako at may alam siya. Nanghihina akong umupo pabalik sa tabi ni JB. He hold my hand and massage it gently. Nakatulala lang ako sa sahig.

"I.. I'm sorry.."

"Hindi mo ba alam na halos mabaliw ako kakaisip sa'yo? I hated myself for being weak those days! I heard you crying over night and I did nothing!"

"I asked him but he lied!" Turo niya kay JB na nakakuyom na ang kamao. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kamay ko. "Nagpa-imbestiga ako sa posibiling nangyari sa'yo. At tama nga ako."

"It's my fault," aniya at hinarap si Mommy.

"No. It's mine. Sinabi ko sa kanyang 'wag sabihin kahit kanino, Mommy. I can handle myself."

"Simula nang makilala mo siya nagtatago ka na ng mga bagay sa akin. I hate him for lying and for tolerating your..." Tinapos niya ang mga salita sa pag-iling niya.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now