Chapter 8

535 29 4
                                    

Pagdating ng araw na Lunes, maaga akong gumising para mag ayos. May pasok na naman kaya kailangan kong mag madali dahil paniguradong late na naman ako. Bumangon na ako at dumiretso na sa bathroom para makaligo.

Medyo matagal pa akong nagbabad sa loob bago lumabas. Tumungo na ako sa malaking kabinet na nasa aking kwarto. Nainis pa ako dahil wala na naman akong maisusuot na matino. I ended up wearing a black one-shoulder crop top pair with white fitted pants and a cream color three inches heels.

I put a light make make up and braid my blonde hair. Bumaba na ako para mag-agahan. Nadatnan ko si Mommy na nakatalikod mula sa akin. I'm sure nagluluto pa sila ni Nay Pilla. Si Nanay Pilla ang katuwang namin ni Mommy rito sa bahay. Wala siyang pamilya kaya nagtagal na rin siya rito sa amin. Bata pa lang kami ni Seth ay sa amin na siya nakatira.

"Hi, Mom!" I hugged her from behind.

She lowered her gaze at my body at binalik din agad ang tingin sa mukha ko.

"Good Morning! May sakit ka ba?"

Agad namang nangunot ang noo ko sa katanungan niya.

"Anong sakit, Mommy? Maayos naman ang pakiramdam ko," takang sagot ko habang kinakapa ang leeg at pinapakiramdaman ang sarili.

"Ang aga mo lang kasi. Siguro may biktima ka na naman ano? Bakit ka maaga?" nakangiti niyang tanong. Pati si Nay Pilla ay natatawa na ring nakatunghay sa amin.

"Anong biktima ka diyan? Alam mo ba noong sabado? Nako, syempre hindi mo alam, Mommy! Ang anak mo mabait na. Loyal na 'ko, Mommy!"


Naalala ko na naman ang nangyari ng gabing iyon. 'Yon ang unang pag-uusap namin at hindi ko inaasahang hahalikan niya ako. Nang gabi ring iyon ay hinatid niya ako pauwi rito sa village namin.


"Asus... ikaw lumalaki kang maharot, Etyl Ann, ha!" si Nanay Pilla.

Natatawa naman kaming bumaling ni Mommy sa kanya.


"Mana mo po ako kay Mommy, Nay!" sagot ko at naramdaman na lang ang kurot ni Mommy sa sa aking tagiliran. "Anyway,hindi na'ko kakain. Aalis na ako dahil paniguradong late na naman ako at sa faculty na naman first period ko nito," paalam ko at hinalikan silang dalawa sa pisngi.

Kinuha ko na ang folder ng mga drafts and design na nilapag ko sa lamesa nang makababa ako at nilabas na rin ang susi ng kotse.

Muntik ko nang makalimutan ang isang bagay na hindi pwedeng mawala sa akin. Binaba ko na muna ang mga gamit sa loob ng sasakyan at patakbong pinasok ang bahay namin patungong kwarto ko.

"Dahan-dahan, anak! Baka madapa ka!" rinig kong nag-alalang sigaw ni Mommy mula sa baba.

Nilibot ko ang paningin sa kwarto at nakita ang handy mirror sa aking kama. Kinuha ko iyon at dali-daling bumaba na. Nakasalubong ko pa si Mommy nang pababa na ako. Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na sa kotse.

Pagdating ko sa Amstar, I immediately parked my car at nagmamadaling bumababa para maka-abot sa second period which is the same subject sa first period. Nakakaurat kaya kapag dalawang oras mo titigan ang prof niyo.

"You are early for the next subject, Miss Guanzon," sita sa akin ni Prof. Napalingon naman ang mga maarte sa akin na bagong dating lang. Hindi ko alam bakit gano'n ang tawag sa amin ni Charelle, e.

"Good Day, Prof!" bati ko pabalik sa kanya sabay nginitian siya ng pagkatamis-tamis. "Good morning, Classmates!" Lingon ko sa mga ka klase na ngayon ay natatawa na lang sa akin.

"Good morning din. Ipagdarasal mo na hindi ka na ma late bukas dahil e-d-drop out kita, Guanzon!"

"Sinabi na rin ng mga dati kong Prof 'yan, Prof. Pero naka-abot ako ngayon sa college."

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now