Epilogue

1.1K 34 1
                                    

"Tol, may practice game tara na, naghihintay na sila coach sa Gym!" biglang sulpot ni Dawn aking likod at inakbayan ako.

"Mauna ka na," sagot ko at hindi inalis ang tingin sa grade eleven ABM student na nagpapractice ng sayaw para sa intramural ng South Institute.

"Type mo si singkit 'no?" binalingan ko si Dawn gamit ang nagtatakang mukha. "Hindi nagseseryoso 'yan, e. 'Yong boyfriend niyang BSA student iniwan nga raw." dagdag pa niya.

Umiling ako sa sinabi niya tumalikod na sa mga freshmen para tumungo sa Gym kung saan ang practice game.

"Hindi ko type 'yon. Ang arte ng mukha at uh.. ang harot."

Narinig kong tumawa si Dawn sa tabi ko. "Ulol, mabait naman 'yang si Guanzon."

"Ano buong pangalan niya?"

"Oh? akala ko ba hindi mo type?" Sabay tapik niya ng balikat ko.

"Hindi talaga, gagu!"

"Etyl Ann Guanzon." I nodded.

I'm not comfortable when someone knew about me admiring someone a far from me. I keep on following her. Kapag nakita ko siyang dumadaan sa hallway parang wala siyang pakialam sa paligid niya. But when someone talked to her, she's just smiled and waved her hand.

Isang araw nagkabanggaan kami pero hindi niya man lang ako binigyan ng pansin. She just say sorry without looking and leave me dumbfounded.
Hindi sincere mag sorry, ayoko. Ang pangit ng ugali.

"Akala ko ba ayaw mo sa babaeng 'yan?" si Dawn na nahuli na naman akong kinukuhanan ng litrato si Etyl na nag papractice para sa intramural pageant. Siya ang pambato ng ABM.

She's known for having a bold mouth. Minsan ko na siyang narinig kausap ang junior high school student.

"Ate, mahirap ba maging ABM student?" Tanong ng siguro ay nasa second-year high school na estudyante sa kanya.

"Oo, mahirap.. kaya 'wag kang magtangkang kumuha ng strand na ito. Suicide, bitch!" sagot niya sa maarteng paraan.

"Hoy, ano ba 'yan, tinatakot mo ang bata." Suway ng kaibigan niyang si Shan. I know Shan since then.

"Kidding. Basta when you feel like you can't make it anymore, always remember may ka klase ka pang bubuhat sa'yo."

"What the fuck, Etyl?"

"Kadyot," agap nitong sagot na nagpailing sakin lalo.

"Hindi ko nga gusto, Dawn." Lumakad na ako palayo sa stage kung nasaan sila.

Ilang beses kong pinagkait ang katotohanan sa kaibigan. But the more I denied her, the more I stalked her. Nang mapagtanto ko sa sarili ang ginagawa ko ay tumigil ako. I don't like this feeling na parang isa akong creepy stalker.

Imposibling maging akin siya. Imposibling mapansin ako ng isang tulad niya. Maganda at matalino, sexy pa. Halos lahat ng atensyon ay nasa kanya. She's popular during our year.

"Go, Balesteros!" Napahinto ako sa pag hahabol ng bola nang marinig ko siyang pinagsisigawan ang apelyido ko. Agad kong binawi ang tingin at pinagpatuloy ang laro.

I ignored her, not because I don't like her anymore, but I know she's not really sure maybe also unaware about her actions. Sa mga araw araw niyang pagpapansin ay lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Sa susunod, galingan niyo ang acting niyo at siguraduhin niyong hindi kayo naririnig sa labas habang nag paplano." Sabi ko nang isang araw na naman ay pagpapansin na naman siya sa'kin. I smirked seeing her face turned red. Cute.

Chasing Ring (Architect Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now