Yassie's Point of View
"Party!!" Masayang sigaw ko at tumungga ng beer na hawak ko ngayon.
Ahh... this is life.
Hindi ko alam kung nakailang bote na ako basta, I'm just seizing the moment.
Sobrang lakas ng music, ang daming tao, ang ingay ingay at ang kalat. Iyan ang sitwasyon ng bahay naming magpipinsan ngayon.
Yep, that's right. May sariling bahay kaming apat kaya malayang malaya naming magagawa ang mga gusto namin.
"Wooh! Cheers to the unstoppable cousins!" Sigaw ng pinsan ko.
Uminom kami ng uminom hanggang sa nalasing na ako. Hilong hilo ako at pati na rin ang mga pinsan ko.
Hindi ko na namalayan kung saan ako nakatulog. Basta ay umiikot lang ang paningin ko at sumusuka na ako hanggang makatulog na ako at nawalan na ako ng malay.
'Yun ang naalala ko kagabi. Nang magising ako, nakita ko agad ang tatlo na pinsan ko na nakahiga sa damuhan malapit sa pool, kung saan kami nakatulog.
Everything around is so messy. Ang daming bottles ng alak na nakakalat, mga wrappers ng pagkain, may mga bikinis at boxers pa nga na nakalutang sa pool e. Basta, hindi ko maexplain kung gaano kakalat.
Nakita ko naman ang mga maids namin na panay ang linis. HAYS! Buti may mga maids kami.
Ang kalat talaga ng paligid.
Kung ba't kami nagpa-party? Nanalo lang naman ang school namin sa battle of the bands na naganap kahapon at syempre, kaming apat ang pambato ron.
"Hoy! Mga bruha, gising!" Sigaw ko sa kanila. Nang magising sila, agad kaming tumakbo at nagsisukahan.
Yuck!
"Oh my God, for goodness sake! Ano ang nangyari dito sa bahay ninyo?!" Napalingon agad kaming apat sa pinanggalingan ng boses na 'yun.
"Oh shit." Mura ko.
"Guys, quick! Hide.." Bulong ko.
"Tss, what's the use? Nakita na rin naman tayo." Sagot ng isa sa mga pinsan ko.
Yeah, she's right.
Tinignan ko ang mga suot namin. Naka-bikini pa kami at halos nasukahan namin ang mga katawan namin. Hindi na ata namin napansin dala ng kalasingan.
"Mom, dad! Anong ginagawa ninyo dito?" Kabadong tanong ko. Magkakasama kasi sila ng mga Titas at Titos ko. Spefically, my cousins' parents.
Patay talaga kami nito ngayon, tsk tsk.
"Kami pa ang tinatanong mo kung bakit kami nandito? Oh my gosh, tignan niyo nga ang mga sarili ninyo! Look at the situation of your house! It's all a mess! Jusko, Joaquin. Hindi ko ata makakaya ito." Panermon ni Mom sa amin. As expected.
"We can't see you like that! Magsibihis kayo! Linisin ninyo ang mga katawan ninyo! We'll talk about this after you clean yourselves! NOW!!" Sigaw ni Dad. Napasunod naman agad kaming apat at walang sabi sabing nagsipunta kami sa mga kwarto namin at naligo.
"Bakit ba kasi nila nalaman na nagpa-party tayo kagabi?" Tanong ng pinsan ko na si Allyson.
"Ano bang malay namin, Ally? Sabay naman ata tayong nagising kanina na nandito sila 'diba?" Sagot ng mapambara kong pinsan na si Samantha.
"Ugh, whatever." Sagot ni Ally sa kaniya.
"Mamaya na nga kayo mag-usap diyan. Kitang namomroblema tayo dito, e." Singit naman ng mataray kong pinsan na si Kat.

BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Подростковая литератураApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?