Yassie's Point of View
"Dito na lang ako." Sabi ko. Dinaan nalang nila ako since dadaan rin naman kami dito sa bahay on the way papuntang bayan.
Itinigil na ni Manong Driver ang sasakyan sa gilid.
I think 5 na, magsi-six na ata. Natagalan kami kasi 4 na kami natapos tapos nag-byahe pa kami. Saka nakaka-awkward rin si Miss Veronica mula nang sabihin niya sa'kin ang kwento niya sa TOTGA niya na Daddy ko naman pala.
Bumaba na ako ng Van. The School's Car is a Van kasi.
Bago ko isara 'yon, nagpaalam muna ako sa kanila.
"Miss Veronica, dito na po ako."
She smiled, "Sige."
At napatingin ako kay Ace.
"Hoy, sungit. Dito na 'ko, bye! Ingat kayo!" Nakangiting sabi ko.
Mukhang nahawa ata siya sa ngiti ko kaya napangiti rin siya.
"Okay. Bye, ping."
AAAAH! Nakaka-adik talaga ang ngiti niya!
Napatawa tuloy ako, "Sige na nga! Bye!" At tuluyan ko nang isinara ang pinto.
Bumusina muna si Manong Driver bago sila umalis.
Nakangiti pa rin ako habang papasok sa bahay.
Nakita ko sa sala ang mga pinsan ko na nanunuod ng cartoons.
Napatingin naman sila sa'kin ng sirhan ko ang pinto.
"YASSIE!" Sigaw nila at dinaganan ako.
Napatawa naman ako, "Wow. Miss na miss niyo 'ko ha."
Tumawa na din sila, "Medyo lang."
Nakita ko naman si Lola na palapit dito.
"Hi, lola. Sorry, natagalan po ako. Sobrang layo po pala kasi ng mga bayan dito e." Sabi ko. Yinakap naman ako ni Lola.
"Ayos lang 'yun. Nako! Sigurado akong pagod ka. Sige na, kumain na tayo nang makapahinga ka na."
Ang aga aga na talaga naming kumain ng dinner dito. Medyo nasasanay na din naman kami. Ewan ko nga kung ilang weeks na kami dito e. Tumatawag naman ang parents namin pero 'di daily. Busy talaga siguro sila saka alam naman nilang safe kami rito.
"Sige, la. Magbibihis lang ako."
Umakyat na ako at lininisan ang sarili ko at nagbihis na ako ng pajamas ko.
Bumaba na ako at nasa mesa na sila.
Kumain na din agad kami. Nagsiakyatan na kami pagkatapos naming kumain.
After brushing my teeth, humiga agad ako.
Napapikit ako. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang pananakit ng paa at binti ko. Nakakapagod pala talaga.
Pagbukas ko ng mata ko, agad akong napatayo sa gulat. Paano ba naman kasi! Pagkamulat ng pagkamulat ko, mukha agad ng tatlong pinsan ko ang bumungad sa'kin.
"Lechugas kayo! Kinabahan ako do'n ah!" Inis kong sigaw.
"Hahaha! Sorry." Sabi pa ni Ally. Napaupo na ako sa bed ko.
"Bakit ba kayo nandito ni Kat?" Tanong ko.
"Grabe! Bawal na ba kami dito?" Sagot naman ni Kat.
"'Di naman."
"So ano? Kumusta ang araw mo?" Tanong ni Sam.
"Kapagod."
"Hindi 'yan! Kumusta ang progress sa Operation: Breaking the Ice?"
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Подростковая литератураApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?