Yassie's Point of View
I'm running in an open area. Madilim lang ang paligid at hindi ko alam kung nasaan ako.
Hindi ko alam kung ano ang humahabol sa'kin basta ay tumatakbo lang ako. Napagod ako kaya tumigil ako sa pagtakbo.
Luminga linga ako, "Kat?! Ally?! Sam!? Asan kayo?!" Sigaw ko pa pero wala talaga akong maaninag na kahit na ano kundi mga kahoy lang sa paligid.
Nakaramdam ako na parang may tao na tumatakbo. Ang buong akala ko, isa sa mga pinsan ko 'yon pero nakita ko ang isang lalaking nakaitim lahat na may mascara pa na tumatakbo papunta sa'kin.
Tumakbo ako pero naharangan ulit ako. Pumunta ako sa left side ko, right, back and front pero pinapaligiran na nila ako.
"ANONG KAILANGAN NIYO SA'KIN!?" Sigaw ko sa kanila. May isang lalaking lumapit sa'kin.
"Hali ka na, sumama ka na sa'min." Sabi niya. Hindi ko talaga maaninag kung sino siya.
"At bakit ako sasama sainyo? Ayoko!" Sigaw ko. Sobrang kabado ko na ngayon at 'di ko alam kung anong gagawin ko.
"Ayaw mo? Paano kung sabihin ko sa'yong hawak namin ang mga pinsan mo, hindi ka parin ba sasama?"
Natigil ako.
"Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa'min?" Tanong ko.
"Sa kanila, wala. Ikaw. Ikaw ang kailangan namin."
Aminado akong nakakakilabot ang boses niya.
"Bakit? Anong meron sa'kin?" Tanong ko ulit.
Hinawakan niya bigla ang kamay ko. Nanlaban ako pero bigla siyang may kinuhang panyo at ipinaamoy sa'kin 'yun.
And then nawalan na 'ko ng malay.
Nagising ako sa isang abandonadong warehouse. Wait, I know this place. Ito ang lugar kung saan ako kinidnap noong bata pa 'ko.
Why the hell am I here?
Tatayo na sana ako nang maramdaman kong may tali ako sa kamay at paa.
"TULONG!!!" Sigaw ko.
"Yassie!" Napatingin ako sa gilid ko. Nandun ang tatlong pinsan ko na nakatali rin pero bugbug sarado na sila.
Fck.
I wanna cry. Ano bang kailangan nila sa'kin?
May naglakad na lalaki sa harap ko at siya 'yung kumausap sa'kin kanina.
Nagpumiglas ako sa talian ko, "Pakawalan mo na sila! Ako ang kailangan mo 'diba?! Please! 'Wag mong damayin ang mga pinsan ko!" Sigaw ko habang umiiyak.
Tinignan niya ang mga pinsan ko.
"Pakawalan ang mga 'yan!" Sigaw niya.
Hay, salamat.
Nabulagta sa sahig ang mga pinsan ko dahil puno na ng pasa ang katawan nila.
Oh, gosh.
"Yassie, 'di ka namin iiwan." Sabi ni Ally sa'kin while crying.
I looked at them while crying, "No. Iiwan niyo 'ko. Pabayaan niyo na ako dito."
"Hindi! Magsusumbong kami!" Sigaw ni Sam. Napatingin ako sa lalaking kumidnap sa'min.
Bigla siyang lumapit kay Sam at sinipa ito.
"HINDI!!" Sigaw ko.
"Subukan niyo lang na magsumbong at talagang mga magulang niyo ang isusunod ko. Mas makapangyarihan ako sa mga pulis ninyo!" Sigaw niya.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Roman pour AdolescentsApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?