Chapter 6: Wait, What?!

17 1 0
                                    

Chase's Point of View

Nag-bell na pero hindi parin tapos si Sir Liam sa pagtuturo sa'min. Ang teacher namin sa third period namin. Tss, kahit first day na first day, discuss agad.

Nago-over time pa. Aish! Gutom na gutom na 'ko.

"Okay, class dismissed."

Finally! Natapos na rin siya sa kakadaldal niya.

Snack break na, ito lang ang hinihintay ko.

Tumayo na ako at nag-unat.

"Tara na, mga bro. Gutom na gutom na ako." Sabi ko sa mga pinsan ko. As usual, deadma lang ako kay Ace. Si Vince naman, sinulat pa 'yung nasa board kaya lumapit ako kay Drei.

"Tara na nga, Drei. Iwan na natin ang dalawang 'yan." Aya ko sa kaniya at inakbayan siya.

"Alis nga diyan, Chase. Nababakla ka na noh? Kung makaakbay 'to."

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Grabe, ang sama ng mga 'to sa'kin.

Nang wala akong magawa, napatingin ako sa babaeng nasa harap namin. Dalawa nalang sila, mukhang nauna 'yung dalawa e.

Linapitan ko 'yung babaeng nakayuko na kumukuha ng kung ano sa bag niya.

"Hi, miss. I'm Chase, and you are?"

Tinaas niya ang mukha niya at agad ko siyang nakilala. Oo, siya nga 'yun!

"I'm... wait what?! –"

Sinuri niya ang mukha ko at namilog ang mga mata niya.

"Ikaw nga! Argh! Ikaw 'yung feeling gwapo sa mall na kung makaasta, parang kung sino!" Iritang sigaw niya.

Kung makasigaw naman 'to, parang walang umaga. Pero nagulat rin naman ako pero 'di ako tulad nito ka-oa 'noh.

"Magkakilala kayo?" Tanong nung babaeng maputi. 'Yung sobrang taas ng pangalan. 'Di ko maalala e.

"Hindi 'noh. Nung nasa NBS tayo, nakabangga ko 'yan. Sobrang feeling gwapo. Yuck."

OA naman nito.

"So... you're wait what? Hi, wait what." Asar ko sa kaniya. Nakita ko namang pumula ang mukha niya sa inis.

"UGH! Common sense naman!"

Ang sakit sa tenga ng boses niya, swear.

Nakita kong tinanggal ni Ace ang earphones niya at sinamaan ng tingin 'yung si wait what.

Patay ka talaga, ginalit mo si alas.

Nagtataka nga kami e. Kung ba't hindi nalang Ice ang pinangalan sa kaniya since sobrang cold naman niya at parang yelo lang.

"Why the fuck are you shouting?"

"Bawal ba?" Singit ng babaeng kasama ni wait what.

Hindi naman kasi ako nakinig kanina sa pakilala e.

Teka, nakinig pala ako sa apat na transferees na 'to.

Sa pagkaka-alala ko, nagsisimula sa letter S ang pangalan ng babaeng 'to eh.

Ano nga 'yun?

Sab?

Sarah?

Sandy?

Samantha?

AH, OO! Samantha nga.

"Oo. Bawal." Nabalik ako sa katinuan ko ng marinig si Ace na magsalita. Minsan lang 'to nagsasalita. Parang nasasayangan nga siya sa laway niya e.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon