Chapter 9: The Estrellas

14 1 0
                                    

Drei's Point of View

It's already Saturday. Ang bilis ng panahon ngayon 'noh?

Tapos agad ang first week.

Alas singko na ng hapon ngayon at magkikita kita na kami ng mga kaibigan ko sa bahay nina Ace.

Tatambay muna kami dun since nabago na rin naman ang sched. namin. Tss, napa-8 to 9 tuloy kami.

Pero ayos lang naman, mga babae rin naman kasi 'yung nauna sa'min e.

At speaking of sa kanila, spefically, sa kay Kat. Buong linggo, wala na akong ibang ginawa kundi bwisetin siya.

Ewan ko ba, nakaka-satisfy tignan ang pikon niyang mukha e.

Weird ba?

"Yo, bro." Bati ni Ace sa'kin at nag-fist bump kami.

Dito lang naman kasi kami tumatambay sa may tabing pool sa bahay nina Ace e. May couch naman, may duyan kaya ayos na ayos.

Tumayo naman si Vince sa pagkakahiga niya sa duyan.

"Oy, bro." Bati rin niya sa'kin at nag-fist bump rin kami.

"Si Chase?" Tanong ko at umupo sa isang furniture. Mayaman kasi 'tong sina alas.

"Narinig ko pangalan ko!"

Biglaan sumulpot si Chase galing sa loob na may dalang Pizza.

"Delivery boy ka na pala ngayon, bro?" Natatawang bati ko sa kaniya.

"Ulol! Napag-utusan lang ni Tita Ann." Sagot niya sa amin.

Habang kumakain kami ng pizza, tumutugtug naman ng gitara si Ace pero hindi naman kumakanta. Si Chase naman ay naglalaro sa cellphone niya habang si Vince ay abala sa pagbabasa.

Wala na bang ibang magawa 'tong mga 'to?

"Punta tayong Bamboo House." Aya ko sa kanila.

"Alas otso pa ang tugtug natin, baka nakakalimutan mo." Sagot ni Ace.

"E alangan naman mag-tambay nalang tayo dito ng dalawang oras 'diba?"

"Ano namang gagawin natin dun? Titignan ang mga babaeng 'yun tumugtug?" Sabat ni Vince.

"Why not?"

"Mag-isa ka, bro." Sabi naman ni Chase.

Naman oh!

"Tss, ayaw niyong patalo pero 'di naman kayo gumagawa ng paraan kung paano manalo, bahala nga kayo diyan." Sabi ko sa kanila.

Tatayo na sana ako nang magsalita si Ace.

"Sandali. Oo nga, may point ka."

I smirked. Anong akala nila sa'kin? Walang utak? Tss. Hindi ko man ka-level si Vince, atleast, may punto ang mga pinagsasabi ko.

Hays, proud talaga ako sa'yo Drei.

"So ano? Pupunta talaga tayo?" Tanong naman ni Vince.

"Hindi, dito lang tayo. I-imagine lang natin ang tugtug nila, Vince. Hay nako!" Sabat naman ni Chase.

"Gago."

"Oh? Ano pang hinihintay niyo diyan? Tara na!" Sabi ko sa kanila at umuna na sa paglalakad.

**

Ace's Point of View

"Anong nangyari dun? Bakit sabik na sabik 'yun?" Tanong ni Vince habang nakatingin kami sa likuran ni Drei na nagmamadaling pumunta nang Bamboo House.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon