Chapter 11: No Choice

11 1 0
                                    

Yassie's Point of View

Monday na naman. Buti hindi ulit ako nagising sa kawali ni Sam.

Nandito na kami sa school, specifically ay sa room namin. Wala pa naman ang teacher namin kaya naguusap usap lang kaming lahat dito.

Habang nag-uusap usap kami dito, biglang lumapit ang mga kaklase naming babae sa'min.

Huh?

"Kayo pala ang sikat na girl band na Estrellas?" Tanong nung babaeng classmate namin. Nakalimutan ko ang pangalan niya.

"Uhm, yeah." Sagot ni Ally.

"Wow! Fan na fan ang kapatid ko sainyo!" Sabi naman nung isang babae.

"Talaga?" –Sam.

"Oo, hehe."

"Uh, don't get me wrong ha, pero bakit kayo nandito? Curious lang ako, walang masama dun ha." Sabi ko naman.

"Ah, one week na kasi pero 'di pa kami nakapag-pakilala sainyo."

"Ohh."

"Ako pala si Cindy."

"Ako naman si Seirra."

"Ako si Mia."

"Ah, Sarah pala."

"Ella."

Pakilala nila. Isa isa rin kaming nagpakilala sa kanila.

Maya maya pa, nagsimula na ang klase.

"SORRY, TEACHER FAYE! WE'RE LATE!" Napatingin kami sa pintuan.

Tss, pumasok pa talaga ang mga bwiset. UGH! Masisira na naman ang araw namin, hays!

"And why are you late, boys?"

Pawis na pawis silang apat. Ano naman ang ginagawa ng mga 'to?

"N-nasiraan po kami ng k-kotse!" Sagot nung Vince. Hingal na hingal pa sila.

"Is that true?"

"Yes po." Sagot naman nung Drei. Naaptingin ako kay Ace.

Pinapawisan na nga, ang cold pa rin ng mukha. Kelan ba malalanay ang yelo nito?

"Well, that's a reasonable reason naman kung totoo. Take your seats."

Psh, dapat 'di na pinapasok e.

Nagpatuloy na ang klase namin. There's one thing that I realized. Hindi na nagco-compete si Ally at 'yung Vince. Parang nagpaparayaan sila at nagsasalitan. Weird.

"That's all for this morning. Wait for your next teacher."

Bumulong ako kay Sam, "Pansin mo?"

"Oo. Sina Ally at Vince 'noh?"

Alam agad.

"Yup. Ang strange nila ngayon."

"More like nahihimalaan." Singit ni Kat sa usapan.

"Hay nako! Kung magbubulongan kayo, 'yung hindi niyo nasasabi ang pangalan ko 'noh?" Sabi bigla ni Ally kaya napaupo kami ng maayos.

"E kasi ang weird niyo ni Vince ngayon." Sabi ni Kat.

"Anong weird?"

"Hindi na kayo nagu-unahan. Nagsasalitan na kayo, friends ba kayo?" –Sam.

Nang marinig ko ang salitang 'friends' ay may brilliant idea agad na pumasok sa isip ko.

"Aha! Alam ko na. Siya 'yung ka-ibigan mo 'noh?" Pange-echeos ko.

"Oo nga!" Sabay na sabi ni Kat at Sam.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon