Chapter 13: Secretary

12 1 0
                                    

Yassie's Point of View

"Class, please proceed at the Quadrangle. May importanteng event doon ngayon, nandito ang Dean ng Main Campus ng University." Anunsyo ni Teacher Faye.

Nagsitayuan na kami at pumunta sa Quadrangle. Lahat ng students ay nandito and mukhang super important 'to dahil dinayo pa talaga ng Dean dito.

"Magandang araw, students!"

Nasa harap ang Principal namin. Wait, hindi ko pa pala alam ang pangalan niya o surname man lang kahit higit one week na kaming nagaaral dito.

And then an old man, I think the Dean then another man pero hindi kasing old ng Dean ata.

"Pinagtipon kayo dito dahil may importanteng anunsyo ang ating Dean at ang ating Principal. I will give the time now to Principal Collins."

Teka, Collins? How is she related to Vince?

"Again, good morning. I am Principal Valerie Collins. I am proud to introduce to you our Dean, Mr. Bernard Santiago." Yes, I'm right. 'Yung old man nga ang Dean. Tumayo siya and waved at us.

"And our very own Mayor, Honorable Alex Monteverde."

Huh? Monteverde?

At ano namang koneksyon nila ni Ace? Maybe his Tito? Or Lolo? Pero imposible naman atang Lolo. Baka Tito nga.

"Nandito kami ngayon dahil ngayon maga-anunsyo si Mr. Ace Monteverde ng kaniyang napiling Secretary at ang Secretary ninyo for this school year. Mr. Ace, please come here in front." Sabi ni Principal Collins.

Pumunta si Ace sa harap na halos hindi nakangiti. Ano ba naman 'tong lalaking 'to? Hindi ba 'to marunong ngumiti?

Nakakairita!

"Good morning, students."

Kita mo na, pati boses, walang ka-buhay buhay! Pero 'tong mga students naman dito, parang ang saya saya pa nila dahil si Ace ulit ang Mayor nila sa taong 'to. Psh!

"So ayun na nga, ia-announce ko na ang napili kong Secretary ko." Maraming umaasa na sila ang mapipili pero sorry kayo, I'm the lucky one.

Hahaha!

"So for this year's Secretary, I am proud to announce that your new secretary is..."

Grabe ha, nagpapa-thrill pa talaga. I just hope na sana, walang violent reactions galing sa students dahil nga bago pa ako. Pero wala na rin naman silang magagawa, si Ace ang namili.

"Miss Yasmine Athena Eliz Smith of Grade X-A."

Nagpalakpakan ang mga students at tumingin sa'kin.

"Time to shine." Bulong ni Sam sa'kin at I went to the front.

Nagkamayan kami ng Mayor sa city, kay Principal at sa Secretary ng board.

"Congrats, iha."

"Thanks po."

Wow, honored?

"So students, ano nga ang gagawin ng bagong Secretary?" Ani ni Ace. Napatingin ako sa kaniya at sa mga students na may plastic na ngiti.

Teka, parang masama ang kutob ko sa ipapagawa nila sa'kin.

Sana naman hindi –

"SPEECH!"

Oh no.

I faced Ace. He was smirking at me.

Ugh! Mukhang wala na akong choice.

Kinuha ko ang binibigay na mic ni Ace sa akin at palihim siyang inirapan.

"Again, good morning sa lahat."

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon