Chapter 27: Golden Rule

10 1 0
                                    

Allyson's Point of View

"Just like what I said, ito ang gift ko sa'yo." Sabi ko kay Vince. Nandito kami sa isang sulok ng liguan, binababad lang ang mga paa namin.

Kinuha ko sa bulsa ko ang gift ko kay Vince.

"I know that this is not really expensive. Pero I made it with a heart naman," sabi ko.

He pouted, "Kuripot mo naman."

I glared at him, "Tss. Ayaw mo pala, edi 'wag." Sabi ko pa sa kanya at akmang ibabalik na sa bulsa ang gift ko sa kanya nang hablutin niya ang kamay ko.

"De joke lang."

I sighed and opened my hand para ipakita sa kanya ang regalo ko sa kanya.

I gave him a beads bracelet na may letter V sa gitna. I made it with a circle beads. Ako kasi 'yung tipong linalagyan ko talaga ng effort ang mga ibibigay ko sa mga taong mahahalaga sa'kin. Aanhin ko naman 'yang mga mahahaling gamit kung hindi naman galing sa puso ko ang binibigay ko?

"Charm bracelet, huh?" He giggled.

Isinuot ko sa kamay niya ang bracelet na ginawa ko.

"Yup, that's a charm bracelet."

He laughed kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Yah! Kung ayaw mo, ibalik mo nalang kesa tinatawanan mo, tch!" Inis kong sumbat sa kanya.

"I'm sorry, hahaha. Masaya lang ako,"

Kumunot ang noo ko, "Masaya dahil?"

"Dahil this is the best gift I've received so far."

"Tss. Ulol, best gift ka d'yan. Eh 'diba T-shirt 'yung bigay ni Kat tapos kay Sam, perfume tapos kay Yassie, sweater. At 'yung iba, sobrang gaganda din. You should've told me na mas gusto mo 'yung mga mamahaling bagay, pwede ko namang tawagan si Mommy na bumili ng sasakyan para ibigay ko sa'yo, tch." Inis kong sabi na naman.

Ewan ko ba kung anong nangyayari sa'kin kapag kasama ko si Vince! Nagiging madaldal na talaga ako.

He giggled again,"Okay po. Ikaw na po ang mayaman."

Sinamaan ko siya ng tingin.

He cleared his throat, "Pero sino ba kasing nagsabi sa'yong ayaw ko sa gift mo? 'Diba nga sabi ko, ito ang pinaka-best sa lahat? Kasi alam kong binigyan mo ng effort 'tong gift mo sa'kin at ikaw lang ang nagbigay ng ganito sa'kin. Kaya, Ally. Thank you," nakangiting dagdag niya.

And I known it's sincere kaya napangiti na din ako.

"Sus, ayan naman pala. You're wel -"

"Thank you for coming to my life. Bestfriend?"

Kumurap kurap ako. So he really means that bestfriend thing?

Napangiti ulit ako, "Bestfriends."

Mas lumawak ang ngiti niya dahil sa sagot ko at niyakap niya ako.

"Tignan mo lang ang bracelet na 'yan at mararamdaman mo lagi na nandiyan ako sa tabi mo, okay?" Sabi ko.

"Okay."

Bumalik na kami sa cottage para makapagbihis na upang makaligo na kami.

After kong mag-bihis ay dederetso na sana ako sa liguan ng makita ko si Yassie na nasa cottage lang, tameme at lutang.

Naks! Umamin na kaya si Ace?

Linapitan ko siya pero hindi ako nagpahalata. At mukhang 'di naman niya ako mapapansin kasi nakatingin lang talaga siya sa itaas na para bang ang lalim talaga ng iniisip.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon