Yassie's Point of View
It's already Saturday. Nandito kaming apat ngayon sa kwarto nina Ally at Kat.
Si Sam, busy sa pagcha-chat sa Prince niya habang si Ally, of course, busy sa pagbabasa. Si Kat naman, nag-gi-gitara lang sa gilid. Ako? Naglalaro sa laptop ko, haha!
Malapit na atang magtanghali pero hindi pa kami naliligo. Kakatapos lang naming maglinis saka nakakatamad pang maligo e mamayang gabi pa naman ang gig namin.
Sabay kaming napatingin sa pinto dahil pumasok si Lola.
"La, may problema ba?" Tanong ko.
"Wala naman. Pero bumaba kayo, nandito ang Lola Grace ninyo." Sabi ni Lola sa'min.
"Po? As in ngayon na?" –Sam.
"Bakit? May gagawin pa ba kayo?"
"Wala naman po, la. E nangangamoy pa po kasi kami, hihi." Sagot ko.
"Ay oo nga. Ang baho baho na ng mga puday niyo!" Asar ni Lola sa'min na ikinatawa namin.
Lah 'tong si Lola.
"Estrella?" Boses 'yun ni Lola Grace at mukhang papunta siya dito.
At ayan nga, nandito siya.
"Magandang araw, mga iha!" Bati ni Lola sa'min.
"Magandang araw po." Bati rin namin.
"Nandito si Grace dahil iniimbitahan tayong mananghalian raw sa bahay ng kaniyang anak." Ulat ni Lola sa'min.
Oh...
"Oo, mga iha. Saka syempre, kasama ang mga apo ko at ang mga kaibigan ng apo ko. Sa Unibersidad rin sila nag-aaral, baka kilala ninyo sila." Sabi ni Lola Grace sa'min.
"Ah, sige po. Maliligo lang po kami." Sabi ni Ally.
Bumaba na ang dalawan matanda at naiwan kaming nakahiga dito apat kasi nakakapagod talaga. Hays! Pero sige na nga, sina Lola rin naman e.
"Sige, maghanda na tayo." Sabi ko at nagsi-handaan na kami.
**
Napagpasiyahan kong magsuot ng isang floral cocktail dress dahil formal Lunch nga. Hindi naman 'to basta bastang Lunch lang.
I braided my hair at nag-iwan ng pig tails sa gilid. I applied a light make-up lang naman.
Pati rin naman ang mga pinsan ko e, they wore dresses.
"Magdala na kaya tayo ng mga susuotin natin mamaya sa gig? Para 'di na tayo bumalik dito." Suggest ni Sam.
"Oo nga, good idea 'yan. Teka, sabihan ko lang sina Ally at Kat."
Pumunta ako sa kabilang kwarto para sabihan sila. Nang maayos na namin lahat ang mga gamit namin at ang mga sarili namin ay bumaba na kami.
"Ay, Estrella! Ang gaganda ng mga apo mo." Komento ni Lola Grace ng makababa kami.
"Aba'y syempre, sa'kin nagmana." Sagot ni Lola kaya nagtawanan kami.
Formal kami kasi formal din ang ayos ni Lola Grace at Lola Estrella.
Si Lola, doon siya sumabay kay Lola Grace kaya kaming apat at si Mang Carding lang ang nandito sa sasakyan.
"Sa tingin niyo, kilala kaya natin ang mga apo ni Lola Grace?" Tanong bigla ni Ally.
"Kikilalanin nga muna natin, Ally 'diba? Hay nako!" At of course, ang mapambarang si Sam na naman ang umeksena.
"Negga mo, Sam! Nakakasira ka ng mood. Makabasa na nga lang!" Grabe talaga 'tong si Ally, biruin niyo, pati dito ay nagdadala pa din ng libro. Hays! Mukhang siya ang living human na hindi nabubuhay ng walang libro. I think she'll choose books than gadgets.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Novela JuvenilApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?