Chapter 24: Thursday

13 2 0
                                    

Yassie's Point of View

"Thank you for your participation, Principal Torres." Tumayo na si Ace after niyang makipag-usap sa Principal ng twenty-fifth school na dinayo namin.

Opo! Naka-25 na po kami. Hays! Buti naman at malapit na kami sa 33.

"Let's go." Sabi ni Miss Veronica.

Yup, kasama na ulit namin si Miss Veron at ang driver. Buti nga eh, para 'di kami awkward ni Ace kasi may ibang kasama na kami sa sasakyan.

"Snack muna?" Alok ni Miss Veron. Tumango naman kami ni Ace at dumiretso sa canteen nila.

Hindi kami masyadong nagkaka-pansinan ni Ace ngayon dahil nga sa nangyari kagabi.

Pumila na ako at bumili ng pancake, chips at juice.

Bumili na rin si Ace at si Miss Veronica. Nasa sasakyan lang naman kasi ang driver. Umupo muna kami sa isang upuan rito dahil may sasabihin si Miss Veronica sa'min.

"Kasunod nang bayang ito ay ang City na. Now, as a treat sainyo, mabibigyan kayo nang free time na mamasyal sa City. Pero kailangan niyong pumili, either mamayang hapon niyo gagawin ang pamamasyal o bukas nalang pagkatapos nang lahat." Sabi ni Miss Veron.

Lumiwanag ang mukha ko nang marinig ko ang salitang City.

Oh my gosh, oh my gosh! Parang kumikislap ang mga mata ko dahil sa narinig ko.

"City?" 'Di makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti si Miss Veronica, "Yes. City,"

Kyaah! Can't wait.

"So, what's the decision? Ngayon? O bukas?" Tanong ni Miss Veron.

Nagkatinginan kami ni Ace. Ako, ayos lang sa'kin kahit kalian basta ba't makapasok lang ulit ako sa mall.

"I'd say tomorrow." Sagot ni Ace.

Tumingin si Miss Veronica sa'kin, asking what's my decision.

"Yeah, pabor rin ako sa bukas." Sagot ko naman.

"Okay. That's great!"

Ganado akong nag-trabaho. Kinalimutan ko na 'yung nangyari kahapon.

Pagkatapos namin sa school na kinainan namin nang meryenda, dumiretso na kami sa city. Kumikinang ang mga mata ko habang tumitingin tingin ako sa bintana nang sasakyan. Parang first time kong makakita nang city. Ghad, I miss city so much.

Mas lumiwanag ang mga mata ko nang masilayan ko ang SM Mall. I never imagined myself like this. Kasi palagi naman akong nasa Mall nung nasa Manila pa ako. Magdadala talaga ako nang credit card bukas.

Unlike sa mga nadaanan na naming schools, sobrang laki nang mga high schools nila rito and it's so classy. Of course, nasa city na eh.

"Bukas na natin daanan ang mga Universities nila so that you'll be prepared." Sambit ni Miss Veron.

Ayon sa kaniya, there are three big Universities here. Damn, siguro maraming magagaling na athletes sa kanila.

It was a tiring morning. Nabalik lang ang energy ko when Miss Veronica said that we'll have lunch in a Korean Restaurant. I'm... so... happy!!

I miss Korean foods so much.

Sa Manila kasi, madalas kami nang mga pinsan ko sa Korean Restaurants. May malaking budget naman kami sa school kaya 'di na namin kailangang mag-bayad.

"Yassie, mukhang madalas ka sa Korean Resto sa Manila. Ano ang maisa-suggest mo sa'min?" Tanong ni Miss Veronica sa akin.

Tinignan ko ang Menu nila.

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon