Allyson's Point of View
Nasa school na kami ngayon and ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.
When the bell rang, nagsibalikan na kami sa upuan namin dahil papunta na rin si Teacher Faye. She's our Math teacher.
"Good day, class." Bati niya sa'min.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang discussion.
Nagtanong si Teacher ng questions. At alam niyo 'yung nakakainis? Lagi kong ka-kumpetensya 'tong Vince na 'to sa likuran ko.
Since Monday pa 'to e. We're always the ones na leading sa klase. Kami halos ang nagpapa-taas ng kamay, sumasagot sa board o kaya ay nakakaperfect sa surprise quizzes.
Natapos ang Math period namin na halos kami lang dalawa ang sumasagot sa questions. Para kaming nagre-racing sa kung sino ang mauna.
Next is English. Tulad pa rin sa Math ay kami pa rin ang panay sagot. Ugh!
Nang dumating ang History class namin ay nagpa-surprise quiz si Sir Liam para malaman kung sino ang nakinig sa discussion. Out of 20 lang naman.
At syempre, dahil nakinig ako ay nasagot ko lahat ng questions ni Sir.
Eto na, ia-announce na ang scores.
"Congratulations, Mr. Vince Collins. Ikaw lang ang naka-perfect sa quiz today."
W-what?
"Anyare, beh?" Tanong ni Sam sa'kin.
Teka! Imposible namang may mali ako dun! Ilang beses ko 'yung inulit ulit!
"Next is Ms. Allyson Yu, 19 out of 20."
Ano? Ano namang mali ko dun?
Nagpataas ako ng kamay para itanong kung saan ako mali.
"Yes, Ms. Yu?"
"Sir, can I see my paper?"
"Sure." Pumunta ako sa harap at tinignan ang papel ko.
Tinignan ko kung sino ang nag-check at ang lecheng si Vince pala!
"Hoy, Vince! Saan mali ko dito? Ang daya nito." Pagmamaktol ko.
Pumunta rin siya dito sa harap.
"Ayan oh! 'Diba walang E diyan sa dulo? Ba't mo nilagyan?" Sagot niya at nag-smirk pa sa'kin.
ABA!!
Tinignan ko ang paper ko.
Letter E? Wala naman akong linagay na E dito sa last ah!
"Hindi ko nilagyan 'yan! Ni hindi ko nga penmanship 'yan e! Siguro ikaw ang naglagay niyan 'noh?" Inis kong sigaw sa kaniya.
"Wow, Ms. Yu! Don't jump to conclusions. Sure ka ba talagang 'di mo nilagyan 'yan? Baka naman kasi nagmamalik-mata ka lang."
Argh! Bwiset, nanadya ba talaga 'to?!
"That's impossible! Ilang beses ko nang ni-recheck ang paper ko e."
"As I said, baka nagmamalikmata ka lang."
"Hindi nga! Ang daya mo naman!"
"'Wag ka ngang mambintang!"
"THAT'S ENOUGH!" Natahimik kaming dalawa ni Vince sa kakasigaw ng pumagitna si Sir Liam sa'min.
I admit, he's so scary right now.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Teen FictionApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?