Chapter 16: Getting-To-Know-Each-Other Stage

10 1 0
                                    

Allyson's Point of View

"Ally, nakuha mo na ba ang pictures para sa glee at sports club?" Tanong ni Sir Paw sa'kin, ang club moderator namin.

"Wala pa po, sir e. Pero baka maya maya lang, ise-send narin nina Yassie 'yun." Sagot ko.

"Okay, continue on doing articles about the club, students."

Bumalik na ako sa pagsusulat. Nakaka-stress dito, kaloka. Pero eto naman ang gusto ko. I'm assigned as the Editorial Writer kaya salo ko lahat.

I can't really think of any idea right now dahil hindi ko pa talaga alam ang usual na nangyayari sa mga clubs dahil iba ata ang sa kanila dito at sa nakasanayan ko.

Ugh! I crumbled my draft again. Ang sakit sakit na ng ulo ko.

Nakahawak lang ako sa sentido ko at pilit na naghahanap ng magandang idea para sa article ko.

"Don't push it so hard." Napatingin ako bigla sa gilid ko. It's Vince. He's assigned as the Feature writer naman.

"Kailangan e." Sagot ko.

"Nah. Kahit gaano pa ka-urgent 'yan, 'wag mong ipilit ng masyado. Wala ka ring mabibigay na idea diyan." Sabi niya at naglahad ng bottled water. Tinanggap ko naman 'yun.

"Thanks."

"It's nothing." Nakangiting sagot niya.

"And tama ka, dapat 'di ko pilitin. I still have two days naman e." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"You know what, I have an idea." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"What idea?"

"Bakit hindi mo puntahan ang mga clubs ngayon nang sa ganun ay makapulot ka ng idea mo for your article."

"That's a good idea. Pero baka hindi tayo payagan ni Sir Paw lumabas e." Sagot ko naman.

He smirked at me, "Tss. I can handle him."

Huh?

Linapitan niya si Sir.

"Sir Paw?"

Luh, ang lambing naman ata ng boses ng lalaking 'to.

"Yes, Vincent? May problema?" Ayon, lumabas rin ang totoong Sir Paw. Malambot rin naman pala.

Now I get it. Naglalambing si Vince para payagan kami. Hay nako, ang lakas talaga ng topak ng lalaking 'to.

"Ano kasi sir e... Ally can't think of an idea kasi bago pa lang siya dito sa school."

Tumaas ang kilay ni Sir. Actually, nakakatakot talaga si Sir Paw. Siya 'yung Teacher na ayaw mong biguin kasi para ka niyang kakainin. He's terror, to be precise.

Pero pagdating sa mga boys, nagiging malambot bigla. Jusko, Sir Paw. Halata ang pagka-closeta mo.

"And so?"

"Ano po, sir. Baka pwede pong payagan mo kaming ipalabas? You know, just to make her familiar with what's happening." Pakiusap ni Vince with matching pout at lambing pa.

"Hmm. Is that so, Ms. Yu?" Tumingin si Sir sa'kin.

"Uhm, yes po. I would really appreciate it po if Vince could give me a tour around the clubs to provide better idea and good article for the school paper po." Sagot ko and hoping that he got convinced by Vince.

Tumutok lang siya sa'kin nang nakataas ang kilay na para bang ina-analyse talaga if I'm saying the truth.

"Okay then. But just this once."

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon