Yassie's Point of View
Sobrang bagal ng galaw ko ngayon. Obviously, I'm not excited. Kung may choice lang talaga kami, e.
Pero mabagal naman talaga akong tao.
I'm that kind of girl na sophisticated at sobrang adik sa mga damit. I love to collect things. Halos dinala ko nga ata lahat ng mga damit ko dahil feeling ko, lahat sila, magagamit ko.
Ayos lang 'yun, babayaran din naman nina Dad ang excess baggages ko.
May apat na maleta akong dala, punong puno ng mga gamit ko and may maliit akong bag na linalagyan ko ng mga importanteng bagay tulad ng phone, wallet and etc.
I'm wearing a white fit crop top and then a denim shorts. I'm also wearing an over-sized polo long sleeves. Mukha tuloy siyang jacket na malaki, but more stylish.
Sa buhok ko naman, I just tied it into a pony tail. I applied a light make up at sinuot ang sneakers ko.
May kumatok sa pintuan ko kaya binuksan ko na 'yon.
It's Mom.
"What, mom?"
"Handa ka na?"
Tinignan ko ang mga maleta ko at tumango. Pumasok si Mom ng kwarto ko at kinausap ako.
"Yasmine, please.. 'wag kang magtatanim ng sama ng loob sa amin ng daddy mo." Pakiusap ni Mom sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ako makatingin kay Mom dahil ayoko talagang pumunta ron.
"I can't promise." Tanging sagot ko.
"Yassie naman."
"Bakit niyo pa kasi ginagawa 'to, mom? Do you think ito ang makapagpapatino sa'min?" Sumbat ko.
"We don't know, but sana... ito ang solusyon." Napatingin ako kay Mom.
"Mom, ayokong iwan ang buhay ko dito. Marami kaming maiiwan dito. Our band, our careers! Mom, anong mangyayari sa'min dun?"
"Naiintindihan ko naman, anak. Pero kailangan niyo ring matuto. Hindi na kayo mga bata, for heaven's sake!"
Okay, medyo may point si Mom.
"Okay, here's the deal. Kapag napatunayan mo na pwede kang magbago doon sa Probinsya, we'll grant your request." Sabi ni Mom. Napatingin ulit ako sa kaniya.
"Kung mababago mo ang sarili mo and prove to us that you're responsible enough and independent enough..." she sighed,
"We'll send you to Paris para doon ka na magaral para sa gusting gusto mong course which is Fashion Designing. Kami na ang bahala sa lahat ng Dad mo." Dagdag ni Mom.
O_O
"A-are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Ever since, pinipilit ko na sina Mom and Dad na sa Paris ako magaral pero they don't trust me so dito lang ako sa pinas pero maybe this is the way.
"Yes, we are." Sabat bigla ni Dad na kakarating lang sa room ko. Napatingin naman si Mom sa kaniya.
Napaisip ako. Guess this won't hurt my career so much, babawi naman ako.
"Okay, deal."
Nang matapos ang usapan namin, binaba ko na ang mga gamit ko at isinakay ito sa Van nina Sam na sasakyan namin.
Sa airport na kami kakain ng breakfast. It's still 5:30 in the morning. 6 a.m ang flight namin.
"Is everything set?" Tanong ni Tito Joshua na siyang magmamaneho.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Teen FictionApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?