Yassie's Point of View
"Waah! So naglunch parin kayo kahit 'di na dapat?" Tanong ni Sam sa'kin.
"Oo. Saka wala rin naman siyang choice 'noh, tss." Sagot ko.
"Sus! Pwede ka naman niyang hayaan e pero kita mo, sinamahan ka pa rin niya." Sabi ni Ally.
"So? Baka naman nako-konsensya lang ang tao 'diba? 'Tong mga 'to."
"Kasali ba sa konsensya ang ipost ka?" Singit naman ni Kat.
Pagkabalik namin sa school, nandun na ang mga pinsan kong mga gutom na gutom ng info daw kuno sa 'lunch date' namin ni Ace. Hay nako, kung alam lang nila.
"Ewan ko. Tanungin mo siya, 'wag ako." Sagot ko.
"Okay. Speaking of," napatingin kami sa pinto dahil kakapasok lang ni Ace, Drei, Chase at Vince.
"Hoy, Ace! Kasama ba sa konsens –" natigil si Kat dahil tinakpan ko ang bibig niya.
Loka! Gusto pa talaga akong ipahiya oh! Nakakainis, tinototoo daw ba!
"Bwiset ka, Kat!" Pasigaw na bulong ko sa kaniya.
"What?" Tanong naman ni Ace.
"Wala raw! Never mind." Sagot ko naman. As usual, hindi na umusisa pa si Ace at umupo na sila ng mga kaibigan niya.
"Oh, akala ko ba ipapatanong mo?" Napatingin ako kay Kat.
"Loka ka, alam mo ba ang salitang sarkastiko? Tss!" Inis kong sagot sa kaniya. Tinawanan naman nila ako.
//>__<//
**
After class, nagkahiwa-hiwalay rin agad kami nina Ally, Sam at Kat dahil iba-iba kami ng clubs.
And speaking of clubs, andito ako ngayon sa Faculty room to meet our club moderator.
And opo, kasama ko si Ace.
"Good afternoon." Bati niya.
And it's Teacher Faye.
Wow, mapagpanggap pala 'tong si Teacher Faye e.
Kami lang dalawa ni Ace dito dahil excempted na rin naman kami sa screening.
She chuckled, "Hindi niyo inexpect 'noh na ako ang magiging club moderator niyo?"
"Nope, not at all." I answered.
"Sa taong 'to, mukhang kayo lang talaga ang Photographers ng school dahil ang iba, walang mga sariling camera. Though, pagpipilian ko pa rin naman sila para ma-assist kayo." Sabi niya sa'min.
"Pinatawag ko kayo kasi gusto kong ma-aware kayo sa mga activities at events na kailangan niyong i-cover." Dagdag niya.
Lumapit kami sa white board para mapag-usapan ng maayos.
"First is the Sport's Fest."
Kumunot ang noo ko, may sport's fest rin pala dito?
"Alam mo naman siguro, Ace kung sinu-sino at ano ang mangyayari sa event na 'yan pero as for Yassie, I'll discuss about it." Nakangiting sabi ni Teacher Faye.
"Ang Sport's Fest ng taong 'to ay naka-schedule on July 23 to 24. That's next month. Sa bayang 'to, may dalawang paaralan lang. Itong SRU at ang National High School pero sa mga malapit na bayan, maraming mga schools doon na pupunta dito for that Sport's Fest. Wala naman siguro kayong sasalihang event so you need to cover this and take photos para may magamit ang Journalism club para sa school's paper." Paliwanag ni Teacher Faye.
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Novela JuvenilApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?