Allyson's Point of View
"Asa'n na ba 'yung Yassie na 'yon? Ang tagal!" Reklamo ni Kat. Nandito na kami sa labas ng school, hinihintay si Yassie. Sila nalang kasi ni Ace ang hinihintay para makapunta na kami doon sa Hidden Falls na sinasabi nila to celebrate Vince's birthday.
Ilang minuto pa ang hinintay namin nang sa wakas ay dumating na ang Van ng school.
"FINALLY!" Sigaw ni Sam.
Bumaba na si Ace at Yassie mula sa van. Sobrang daming dala ni Yassie. Nag-shopping pa ang loka!
Pero isa lang ang napapansin ko. Magkagalit ata sila ni Ace. Ano na naman kayang nangyari?
"Guys, patulong!" Sigaw niya sa'min. Sobrang daming paper bags kasi talaga ang dala niya.
Pero bago pa namin siya ma-resbakan ay tinulungan na siya ni Ace. Kinuha niya ang ibang dala ni Yassie at wala man lang kaemo-emosyon sa mukha niya habang bitbit ang mga paper bags ni Yassie.
Nagsitilian naman ang mga girls naming kaklase. Lalo na si Sam, ang number one shipper nang dalawa. Napatili na rin ako, kakilig eh.
Sana all nalang talaga. Tapos may isang pogi pa 'yung si Yassie. 'Yung Kheirro ba.
Hays, kainggit si Yassie!
"Wow, galeng. May helper ka?" Bungad agad ni Sam sa kaniya.
Sinamaan niya ng tingin si Sam at tinapon ang isang paper bag, "Oh. Ayan sa'yo. Bayad mo?"
Sam cutely smiled, "Hehe, pwede mamaya na? Nasa bahay cash ko eh," pakiusap naman ni Sam.
She rolled her eyes at tumingin kay Kat at tinapon rin ang paper bag sa kaniya, "Oh, bayad mo?"
Dumukot naman ng pera si Kat sa wallet niya, "Here."
Kinuha naman ni Yassie ang pera ni Kat.
Kung nagtataka kayo kung ano ang gift ko kay Vince, I just made a simple bracelet. I believe it's a lucky charm for him.
Si Vince ay nasa office pa ng Mama niya. Mauuna na raw kami dahil sasabay lang siya sa mama niya. May mga hinire naman silang magpe-prepare roon.
Nandito na si Mang Carding kaya doon na kami sumakay apat.
On our way, in-echos namin si Yassie ng mapansing kanina pa siya sa phone niya.
Hmm, 'di naman 'to lagi sa phone niya eh.
We peeked on her phone at nakita naming ka-chat niya 'yung si Kheirro sa IG.
"Naaaks!" Sabay naming sigaw kaya naitago niya agad ang phone niya.
"Mga lechugas kayong mga chismosa!" Sigaw niya sa'min.
Tinawanan namin siya, "Ikaw ha. Kaano-ano mo ba talaga 'yang Kheirro na 'yan?" Pange-echos ni Sam sa kanya.
"Friend!" Depensa niya agad.
Sus!
"Friend ba talaga?" Panga-asar ko sa kanya.
"Oo, friend lang!"
"Tigilan niyo na nga 'yan. 'Di naman niya malalaman kung crush na pala niya dahil wala pa namang experience 'yan eh," singit ni Kat at nag-smirk.
"EPAL KA TALAGA, KATRINA! Argh!" Galit na sigaw ni Yassie pero tinawanan lang siya ng bruhang Kat.
Pagdating sa venue, isa lang ang napapansin ko. Maraming kahoy.
"Uhm, saan ang falls dito?" Tanong ko nang maka-baba na kami.
"Hidden nga 'diba?" Sagot naman ni Sam.
![](https://img.wattpad.com/cover/226211185-288-k114858.jpg)
BINABASA MO ANG
My Perfect Pair
Fiksi RemajaApat na mag-pinsan. Apat na mag-kaibigan. Pagtatagpuin sila ng Tadhana sa 'di inaakalang pagkakataon. Tadhana na ba talaga? O nagkataon lang?