Chapter 28: First Time

48 0 2
                                    

Yassie's Point of View

Days passed like a blur. Isang buwan na ang nakalipas mula nung birthday ni Vince. Bumisita na din sina Mommy sa amin nung bukas ng birthday ni Vince at pumunta nga kaming city.

And since Monday ngayon and in accordance sa deal namin ni Ace, bawal ko siyang awayin ngayon.

And mukhang gumagana nga 'yung golden rule na ginawa ko. Madalang na kaming nagkakapikunan eh.

"Ping, pakuha ako ng tubig." Utos ni Ace sa'kin.

Isa pa 'yang pagtawag sa'kin ng ping. Napapadalas na eh. Parang sa isang araw, dalawang beses lang niya akong natatawag na Yassie. Well, lagi ko na din naman siyang natatawag na sungit.

"Okie po, sungit."

Nandito kami sa office namin. It's lunch break at dahil malapit na ang Sport's Fest, naging extra busy kami ni Ace sa paghahanda. Kasama na din ang mga newly elected SBO officers. At oo, panalo si Vince at Ally sa posisyong tinakbuhan nila.

Pero kadalasan, kami talaga ni Ace ang magkasama dahil Secretary naman niya ako eh kaya dapat lagi ko siyang samahan.

At mukhang nagbabago na din ang ugali nitong sungit na 'to. Hindi na siya laging nagsusungit. Pero naga-away pa din naman kami pero within TTHS lang, may schedule nga eh 'diba. HAHAHA!

Habang kumukuha ako ng tubig sa dispenser, napatingin ako kay Ace. Hinihilot niya ang sentido niya. Sobrang stressed kasi talaga namin lalo na niya. Kaloka, ang daming aasikasuhin.

Naging sobrang busy na din ako at kadalasan, si Ace na ang naghahatid sa'kin pauwi. It started last week kasi sobrang daming preparations. Ngayon, mas dumoble ang pressure sa amin kasi next week na nga ang Sport's Fest.

"Umaagos na ang tubig, ping." Seryosong tugon ni Ace.

Napatingin ako sa hawak kong bago. Oo nga, 'di ko napansin. Malamang, haha lol.

"Here," ininom niya ang tubig na binigay ko sa kanya at ibinalik na naman ang tingin niya sa papers na pinatrabaho sa'min ni Principal Collins.

I just stared at him.

Si Ace 'yung tipo na kung binibigyan ng trabaho, ayaw niyang tigilan ito hanggang sa hindi matapos.

I checked my wrist watch at pasado 12 na pala. Kaya pala nagugutom na ako.

"Sungit, 'di pa tayo magla-lunch? 12 na." Sabi ko sa kanya.

He sighed and checked his phone. Inayos niya muna ang polo uniform niya at ang mga gamit niya.

"Sige, kumain na tayo."

Lumiwanag ang mukha ko ng marinig ang salitan 'kain', hehe! Matakaw 'to eh.

Habang naglalakad kami ni Ace papunta sa canteen, napatingin tingin ako sa paligid. Hmm, it's been a few months na din pala 'noh since we arrived in this place.

And I can really tell, ang laki ng pinagbago ko. Syempre, wala naman kasing malls and whatsoever dito.

Pagdating sa canteen, kinuha na namin ang lunch namin. May nakahandang lunch na para sa amin ni Ace at libre pa 'yun. Ang saya!

Ang tatlo kong pinsan, kanina pa umuwi. Medyo naging busy na din naman si Ally pero hindi gaya ko. Super busy talaga ako na hindi na ako nakakauwi for lunch.

"Saan tayo kakain, sungit?" Tanong ko sa kanya.

"Sa office nalang?"

"Okay."

Pagdating namin sa office, kumain na agad kami. While eating, nag-beep ang phone ko bigla.

Kheirrobautista messaged you.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Perfect PairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon